Nananatiling mataas ang tantos ng disempleyo ng Pilipinas, anupamang gawin ng mga ahensya ng reaksyunaryong estado na pagmukhain itong maliit. Noong Pebrero 8, inianunsyo ng Philippine Statistics Authority na nasa 4.3% ang tantos ng disempleyo sa bansa noong Disyembre 2022 mula sa sa tantos na 4.2% noong Nobyembre 2022 o 2.2 milyon mula sa 2.18 […]
Kaliwa’t kanang pangungutya ang sumalubong sa panawagan ni Ferdinand Marcos Jr sa mamamayan noong Pebrero 7 na magbayad sila ng tamang buwis sa takdang panahon. “Walang moral ascendancy” (wala sa katayuang moral) ang bwelta sa kanya ng maraming Pilipino dahil sa di pagbabayad ng kanyang pamilya ng estate tax na nasa ₱203.819 bilyon noong 2022. […]
Tumaas nang hanggang 10% ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng delata, nudels, gatas at tinapay kumpara sa mga presyo ng mga ito noong Agosto 2022. Alinsunod ito sa suggested retail price bulletin o pabatid tungkol sa presyo na inilabas ng Department of Trade and Industry noong Pebrero 8. May mga aytem na tumaas […]
Sa gitna ng tumatalim na krisis sa ekonomya kung saan hirap na hirap ang mamamayan na pagkasyahin ang kinikita, mananawagan naman ang reaksyunaryong pangulo sa mamamayan na magbayad ng tamang buwis habang nilulustay naman niya ang pera ng bayan sa kanyang maluluhong paglalamyerda. Walang moral na awtoridad si BBM na manawagan para sa pagbabayad ng […]
Dagdag-sahod ang panawagan ng mga manggagawa sa harap ng lalo pang pag-arangkada ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo noong Enero. Pumalo sa 8.7% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo sa nakaraang buwan, mas mataas sa 8.1% noong Disyembre 2022. “Record breaking” ang kutya ng mga manggagawa dahil pinakamataas ito […]
Hindi mareresolba ang pangmatagalang krisis sa ekonomya ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, ang pinakahuling programa sa ekonomya ng estado sa pamumuno ni Ferdinand Marcos Jr. Sa isang porum ng Ibon Foundation noong Enero 30, tinawag nito ang plano na “luma na” at kailangang “baligtarin” para magkaroon ng ekonomyang mapakikinabangan ng […]
Hindi ramdam ng mamamayan, laluna ng mahihirap, ang ipinagmamalaki ni Ferdinand Marcos Jr na 7.6% na diumano’y paglago noong 2022 ng gross domestic product (GDP o lokal na produksyon) ng Pilipinas. Ayon sa grupong Kadamay, “malayo sa sikmura” ng maralitang Pilipino ang ipinagdiriwang na “pag-unlad” ni Marcos Jr. “Wag nating kalimutang ayon mismo sa mga […]
Binatikos ng mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) ang inianunsyo ng administrasyon ng pamantasan na gagawaran ng “honoris causa” si Sen. Mark Villar bukas, Enero 27, sa UP Diliman College of Law. Ipagkakaloob ng UP ang degree na Doctor of Laws kay Villar dahil umano sa kanyang mga “ambag at kontribusyon” sa unibersidad. […]
Hindi sapat na mga “luxury goods” o mamahaling produkto lamang ang buwisan para lumikom ng kailangang pondo para sa bayan. “Hindi ito panghalili sa wealth tax (buwis sa yaman ng mga milyunaryo at bilyunaryo) na makakapaglikom ng mas mataas na pondo para sa kaunlarang panlipunan at pang-ekonomya,” ayon sa institusyong Ibon Foundation. Ipinapanukala sa Kongreso […]
Inilabas ng Oxfam Pilipinas noong Enero 16 ang datos ang napakalaking pagkakaiba sa laki ng yaman ng iilan kumpara sa mayorya ng mamamayang Pilipino. Ayon sa pag-aaral, mas malaki pa ang halaga ng yaman ng siyam na bilyunaryo kaysa yamang hawak ng 55 milyong mga Pilipino o kalahati ng populasyon ng bansa. Kabilang sa mga […]