Imperyalistang US, hindi kaibigan ng mga Pilipino

,

Nagmartsa ang mga progresibong grupo tungong embahada ng US sa Maynila noong Hulyo 4 para gunitain sa protesta ang ika-80 kunwa’y “friendship day” sa pagitan ng US at Pilipinas. Tatak ng neokolonyalismo ang pagdiriwang nito sa bansa.

Kinundena ng mga raliyista ang nagpapatuloy na pakikialam ng US sa Pilipinas at pagkaladkad nito sa mga Pilipino sa sinusulsulang gerang imperyalista sa China. Nanawagan sila sa pagtatakwil sa mga tagibang na kasunduang militar, pagsasara ng mga base militar ng US, at pagpapalayas sa mga tropa nito sa loob at palibot ng bansa.

“War rehearsal” sa Asia

Hindi bababa sa 40,000 tropang militar mula sa mahigit 30 bansa ang sabay-sabay na pinakilos ng US sa mga war games sa iba’t ibang bahagi ng Asia noong Hunyo sa isang malawakang “war rehearsal” o pag-eensayo sa digma. Isinagawa nito ang Resolute Dragon sa Japan katuwang ang militaristang rehimen ni Sanae Takaichi, Valiant Shield sa Guam, at ang dambuhalang RIMPAC sa Hawaii na nilalahukan ng 25,000-31,000 tropa. Sa Pilipinas, isinabay nito ang Kamandag exercises noong Hunyo 15-Hulyo 1 sa Northern at Central Luzon, Palawan, Cavite, Tawi-tawi at Metro Manila.

Nakakonsentra ang sabayan at koordinadong mga war games sa kahabaan ng First at Second Island Chain bilang “rehearsal” o pag-eensayo ng iba’t ibang hukbo para sa inihahanda nitong imperyalistang gera laban sa China. Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang papet na rehimeng Marcos sa hayagan nitong pangangayupapa sa US at pagpapakaladkad nito sa heyopulitikal na banggaan ng dalawang imperyalistang bansa.

Imperyalistang US, hindi kaibigan ng mga Pilipino