Balangay ng Armas sa ST, nag-asembilya
Naglunsad ng pangkalahatang asembliya ang Arista at Manunulat ng Sambayanan (Armas)-Balangay Jethro Isaac Ferrer, isang balangay sa Southern Tagalog, noong Hunyo. Pagsisikap ito ng balangay para sa konsolidasyon at pagpapalawak ng hanay.
Sa asembliya, nagtanghal ang mga myembro at nagsagawa ng rebolusyonaryong panunuring masa sa mga pyesa. Inihalal rin nila ang bagong mga upisyal ng komiteng tagapagpaganap ng balangay.
Noong Hunyo rin, isinagawa nito ang isang pistang pangkultura kung saan nagtalakayan at naglunsad ng palihan na may layuning payabungin ang gawaing pangkultura ng mga rebolusyonaryong artista. Inilunsad rin nito ang koordinadong oplan pinta, oplan dikit, at oplan sabit. Ipinakalat nila ang mga poster, istrimer at pintura sa pader na nananawagan na isulong ang digmang bayan.