Bagong tapak ng elementarya ang bunsong anak ni Karen noong umalis siya para magtrabaho sa isang pabrika ng microchips sa Taiwan. Ngayon, maghahayskul na ang kanyang bunso at patapos na ng senior high school ang panganay. Sa orihinal na plano ng pamilya ay uuwi na si Karen, subalit nagbago ang kanyang pasya nang tumindi ang […]
Kasuklam-suklam ang naghaharing kleptokrasya sa pamumuno ni Ferdinand Marcos, Jr. na nagpapakanang ibayong dambungin ang pondo ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ang MIF ay isang sovereign wealth fund (SWF) na inaasahang makakalikom ng inisyal na ₱275 bilyong kapital. Dagdag pasakit ito sa mamamayang Pilipino dahil nanakawin ng reaksyunaryong gubyerno ang kanilang […]
Sumasambulat ang malalaking kilos-protesta sa United Kingdom, isang panlipunang ligalig na yumayanig sa noo’y pinakamakapangyarihang imperyo sa daigdig. Ang daluyong ng protestang nagsimula pa noong 2019 hanggang sa kasalukuyan ang pinakamalaki sa UK mula nang pumutok ang Pandaigdigang Krisis sa Pinansya noong 2008. Lumalahok sa mga pagkilos ang mga manggagawa, propesyunal, mga kabataan, bitbit ang […]
Isang dakilang mag-aaral ng masa at dalubhasa ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM) si Ka Joma. Sa kanyang buong buhay, nailimbag ang napakaraming mga akdang naging pundasyon ng muling pagsilang at tuluy-tuloy na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas. Matalas na ipinagtanggol niya ang MLM sa harap ng opensiba ng imperyalismo at pandaigdigang burgesya laluna matapos na mamatay […]
Lumahok sa International Labour Organization High Level Tripartite Mission (ILO HLTM) noong Enero 23-27 ang mga unyon at samahan ng manggagawa sa Timog Katagalugan sa ilalim ng Pinagkaisang Lakas ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik) at Organized Labor Association in Line Industry and Agriculture (OLALIA) upang ipaabot ang kalagayan ng paggawa sa rehiyon. Inilantad din […]
Hindi bababa sa 10 sundalo ang kaswalti, kung saan dalawa ang kumpirmadong patay, sa engkwentro sa pagitan ng mga pwersa ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon at 85th IBPA sa Brgy. Pansoy, San Andres noong Enero 27. Aktibong nagdepensa ang yunit ng BHB na sinalakay ng isang platun ng 85th IB, bandang alas-3 ng hapon. […]
Kinakalampag ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Batangas ang mga ehekutibong ahensya, LGU at pambansang gubyerno na bigyang solusyon ang krisis sa industriya ng asukal. Lumagablab ang galit ng mga Batangueño nang magsara ang tatlong mayor na departamento ng Central Azucarera de Don Pedro Inc. (CADPI) sa Nasugbu noong Disyembre 15, 2022. Malawak ang […]
Naglunsad ng indignation rally ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa Department of Justice (DOJ) noong Enero 18 upang kundenahin ang pag-dismiss ng kagawaran sa kaso ng 17 pulis na sangkot sa pagpaslang sa lider-manggagawang si Emmanuel “Ka Manny” Asuncion. Si Ka Manny, coordinator ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Cavite, ay kabilang sa siyam na […]
Lumahok ang mga magsasaka at mamamayan ng Timog Kataglugan sa mga kilos protesta noong Enero 22 bilang paggunita sa ika-36 taon ng Mendiola Massacre. Bitbit nila ang panawagang katarungan para sa 13 magsasakang pinaslang ng rehimeng US-Corazon Aquino kung saan pito sa mga biktima ay mula sa Laguna. Mahigit 160 delegado mula sa CALABARZON ang […]
Ang Bumalikwas ay orihinal na komposisyon ng Pulang Bandila-Eduardo Dagli Command-NPA Batangas na isinaayos ng ARMAS-TK.