Tinanong ng pulis ang apat na batang lalake ng ganito: Alin ang inyong baryo, ‘toy? Alin ang inyong lugar? Alin ang inyong hukbo [2]? Sino ang kumander ng inyong hukbo? Kapag hindi kayo sumagot nang malinaw Sisilaban namin kayo. Kaya ang mga bata ng Naxalbari ay tumugon: Kami ang mga anak ng Naxalbari Kami […]
Sa kabila ng paghamon ng imperyalismong China sa dominasyon at kontrol ng US sa Pilipinas sa pagtatangka nitong magpalakas ng impluwensya sa pamamagitan ng pangkating Duterte, nananatili pa rin ang imperyalismong US bilang pinakadominanteng imperyalistang kapangyarihan sa Pilipinas na masasalamin sa pagkubabaw nito sa ekonomya, pulitika, militar, kultura at ugnayang panlabas ng bansa. Pinatunayan at […]
Military Assistance Agreement (1947) – nagtakda ng patuloy na kontrol ng US sa lokal na reaksyunaryong hukbo sa pamamagitan ng Joint US Military Advisory Group o JUSMAG. Ang JUSMAG ang tagapayo at tagapagsanay sa AFP at nagpapahiram o nagbebenta ng armas at iba pang kagamitan. RP-US Mutual Defense Treaty ng (1951) – nagpalawig sa […]
Tatlong sundalo ng 203rd Brigade ang napaslang at may ilan pang nasugatan sa labanan sa pagitan ng kanilang tropa at isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-BHB Mindoro noong Hulyo 11 sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Ayon sa ulat ng LdGC, umatake ang mga tropa ng 203rd Brigade AFP bandang alas-6:05 ng umaga, […]
Hungkag na mga tagumpay at pangako ang nilalaman ng State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 22. Kagaya ng mga nagdaang administrasyon, kasinungalingan ang SONA ni Marcos Jr. at hindi kumakatawan sa tunay na kalagayan ng bayan. Tanging ang imperyalismong US at mga naghaharing uri ng paksyong Marcos-Romualdez ang natutuwa […]
Kasabay ng pagbibigay-limos sa mga Palaweño na nasalanta ng El Niño, ipinagyabang ni Marcos Jr. noong Hulyo 18 ang malapit nang matapos na paliparan para sa base militar ng US sa isla ng Balabac. Pinondohan ito ng ₱170 milyon ng reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas. Ang proyektong ito ay alinsunod sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), […]
Nalantad ang kriminal na kapabayaan, kainutilan at mga depektibong proyekto ng reaksyunaryong gubyerno ni Marcos Jr. sa lala ng pinsalang tinamo ng mamamayan sa paghagupit ng bagyong Butchoy at Carina nitong Hulyo. Walang-tigil at malakas na mga pag-ulan ang dinala nina Butchoy at Carina sa bansa, na nagpalala sa habagat. Dulot nito, maraming mga probinsya […]
Patung-patong na naman ang mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng pinaghalong pwersa ng berdugong AFP-PNP laban sa mamamayan ng TK. Ngayong Hulyo, pito ang iligal na inaresto at ikinulong, at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso; isa ang kaso ng pananakot, panghaharas at intimidasyon, at 1 Pulang mandirigmang hors de combat ang pinatay ng mga […]
Tumindig ang mayorya ng manggagawa ng Nexperia Philippines Inc. sa pangunguna ng Nexperia Philippines Inc. Workers’ Union (NPIWU-National Federation of Labor Unions- Kilusang Mayo Uno) na maglunsad ng welga kontra sa iligal na pagtatanggal ng mga manggagawa. Ito ang resulta ng isinagawang strike vote noong Hulyo 29-30 sa pagawaan sa Cabuyao, Laguna. Sa kabuuang 1,883, […]
Umabot sa 600 mamamayan ng TK ang lumahok sa protestang bayan upang batikusin ang ikatlong SONA ni Marcos Jr. noong Hulyo 22. Kasabay ito ng mga protesta sa iba pang bahagi ng bansa at sa ibayong dagat. Umaga bago ang SONA ni Marcos Jr sa Batasang Pambansa, pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan – Timog Katagalugan […]