Archive of Publications

Sa Dulo ng Baryo
February 08, 2024 |

Bundat na bundat ang tropa ng mga sundalo habang nilalantakan ang nakahaing pananghalian sa harap ng bahay ng isang mag-asawang magsasaka sa dulong bahagi ng baryo. Wala namang pyesta ngunit tila may piging sa dami ng pagkaing hiningi sa mag-asawa ng mga pasistang patay-gutom. “Solb tayo, ser!” walang kahiya-hiyang bulalas ng isang sundalo sa kanilang […]

Sa Aking Paglisan
February 08, 2024 |

  Sa aking paglisan Anak, sana’y iyong maunawaan Hindi kita tinalikuran Hindi kita kinalimutan Pag-iwan sayo’y hindi madali Sa bawat iyong paghikbi Labis ang aking pighati Ang mawala sayong tabi Nagpapaluha sa akin gabi-gabi. Subalit sa tuwing minamasdan kita Gumuguhit din sa aking gunita Larawan ng mga batang Ninakawan ng pagkabata. Sila’y tulad mo ring […]

Ang aming Pagtanggap
February 08, 2024 |

  hayaan mong yakapin ka ng mga kasamang mandirigma katulad din ng mahigpit at mainit na yakap na ipinabaon sa iyo ng iyong ama’t ina lubos ang aming kasihayan sa iyong matapang na kapasyahan na paglingkuran ang sambayanan ika’y napabilang sa mga anak ng bayan magsasalo tayo sa maraming sakripisyo subalit lipos ng galak ang […]

Kung hindi ako naging komunista
February 08, 2024 |

  Marahil ako’y maihahalintulad sa isang manikin May mata ngunit hindi nakikita Kaalipinang nakatambad sa kanyang mata May tenga pero walang marinig Kahit ang pinakamalakas na sigaw ng kalayaan! May ilong ngunit hindi naaamoy Ang umaalingasaw na kabulukan ng naaagnas nang problema May bibig ngunit hindi mabigkas Ang pagnanais na lumaya sa pagsasamantala Kung hindi […]

ANIBERSARYO
February 08, 2024 |

  Itay, saan ba ang ating punta? Ang pag-usisa ng bata Ngumiti ang ama at nagwika Pupuntahan natin ang iyong Ina at kuya Paparoon din ang maraming Katulad nating masa Para Makita ang mga kasama Ano ang meron, itay? Pag-uusisa ng bilugang mata Dadalo tayo sa Anibersaryo Ng ating Partido Oo, anak, ang ating Partido […]

Pasintabi sa Milenyal
February 08, 2024 |

  huwag mong ipagpalagay na ang iyong henerasyon ay lubusang mahusay kung sa kaibuturan ika’y gutay-gutay sa kabila ng tila pinabilis na ikot ng buhay ay unti-unting tumatamlay ang pagkilala sa sarili sa kung anong butil at binhi o ang pinagmulang uri binihisan ka ng teknolohiya na kumakain sa pagkilala sa halip na matuto ay […]

Alay sa Catbalogan 10
February 08, 2024 |

  Sa gubat na yaon, pinagnasaan nila silang pinakamatuwid, matatag ang tindig, matayug ang tinatanaw.. pero di nila kinayang ibuwal di nila kinayang itumba gaano man kalakas na mga pagtaga, gamitan man ng umaangil na makina. hindi sila natitinag sapagkat sila’y pinatibay ng panahon panahong batbat ng humahambalos na unos sa gubat na yaon, ng […]

Tagapangulong A.L.
February 08, 2024 |

  Ika’y mandirigma Sa pulang larangan Ganap ang batas Ng rebolusyon at lipunan Mahigpit ang tangan Sa sandata ng bayan! Wala kang sariling pag-aari Ni anupaman Liban sa aking lakas at Talas ng kaisipan Ngunit tiyak pakumbaba Mong sabihin: ‘Ang kaalaman ay sa masa At ang lahat ay sa akin Lang dumaan’ Patnugot ka kasama […]

Pinag-aralan Niya ang Buhay
February 08, 2024 |

  Pinag-aralan niya ang buhay, Kung paano lumalangoy ang mga palos sa mababangis na ilog, Kung paano dinedepensahan ng mga lumot ang mga puno mula sa hamog, Kung paano nananatiling malusog ang kagubatan kahit sa panahon ng tagtuyot Pinag-aralan niya ang buhay, Kung paano naglalakad ang mga baboy-ramo sa matatarik na bangin, Kung paano nakakayanan […]

Para kay Ka Denver
February 08, 2024 |

  Hindi na maikakaila ang kanyang edad Sa kanyang kumulubot ng mga balat Na sinunog na ng deka-dekadang pakikipagbuno para mabuhay Hindi na maikakaila ng kanyang bukong-bukong at tuhod Na sa mga lusungin ay lintik kung kumirot Hindi na maitatanggi ng kanyang pagtawa at pagnguya Na ang kanyang mga ngipin ay nagretiro na Siya’y hindi […]