Archive of Southern Tagalog

Gasgas na ang inaalok na amnestiya ng rehimeng US-Marcos II
March 22, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sirang plaka ang reaksyunaryong gubyerno sa paulit-ulit na pagdedeklara na “pupulbusin” nila ang rebolusyonaryong kilusan ng CPP-NPA-NDFP. Ang mga Pulang mandirigma ng NPA at ang buong rebolusyonaryong kilusan ng Timog Katagalugan ay kailanma’y hindi pasasailalim sa mga hungkag na programang pangkapayapaan ng bulok na estado. Determinado ang Partido, NPA at pambansa-demokratikong kilusan kasama ang malawak […]

Pamunuan ang pakikibaka ng bayan para sa kanilang kapakanan sa harap ng pananalasa ng tagtuyot! Singilin ang rehimeng US-Marcos II sa kapabayaan at pagpapahirap sa masang magsasaka at mamamayan!
March 20, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Ramdam na ramdam ng mamamayan sa Timog Katagalugan, laluna ng mga magsasaka at mangingisda ang malubhang epekto ng El Nino. Sa kabila ng kanilang pagdurusa bingi at manhid ang rehimeng US-Marcos II na sagipin sila sa kanilang pagdurusa, sa halip ay papatsi-patseng solusyon at kakarampot na ayuda ang ibinibigay nito. Sa likod nito malayang nakakapang-api […]

Kababaihan, ipagdiwang ang maningning na kasaysayan ng Makibaka! Lumahok sa pambansa demokratikong rebolusyon!
March 18, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna | Divina Malaya | Spokesperson |

Ipinagdiriwang ng MAKIBAKA Laguna at ng malawak na hanay ng kababaihang Lagunense ang ika-52 na anibersaryo ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA. Kasabay ng anibersaryo ng MAKIBAKA ay ang ika-76 na taong kapanganakan ni Maria Lorena Barros — unang tagapangulo ng MAKIBAKA at isang rebolusyonaryong martir. Nagsisilbing inspirasyon para sa kababaihang anapawis si […]

Ipaglaban ang karapatan sa ayuda at serbisyo sa panahon ng El Niño sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos! Labanan ang imperyalistang pandarambong sa kalikasan!
March 11, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Nananalasa sa Mindoro ang matinding tagtuyot dulot ng penomenon ng El Niño. Nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Mansalay at Bulalacao sa Oriental Mindoro at San Jose, Magsaysay at Looc sa Occidental Mindoro. Umabot na sa daang milyon ang pinsala sa agrikultura sa mga naturang bayan. Labas sa pag-dedeklara ng state […]

Patuloy na ipaglalaban ng mamamayan ng TK ang hustisya para sa mga biktima ng Bloody Sunday Massacre
March 09, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Tatlong taon na ang lumipas ngunit nananatiling mailap ang hustisya para sa mga biktima ng Bloody Sunday Massacre at kanilang mga kaanak. Habang nagdurusa ang bayan dahil sa papatinding krisis ng naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal, lumalala ang inhustisya at impyunidad ng pasistang estado. Higit na kinakailangang magkaisa ang buong bayan at makibaka para igiit […]

Pasiklabin ang pakikibaka para sa hustisyang panlipunan, singilin ang mga berdugong rehimen ni Marcos Jr. at Duterte!
March 09, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Malaya Asedillo | Spokesperson |

Tatlong taon na ang lumipas mula nang naganap ang Bloody Sunday Massacre, na kumitil sa buhay ng 9 na aktbista at nagdulot sa pagkaaresto ng 5 sa Timog Katagalugan. Sa utos ng berdugong si Rodrigo Duterte, inilunsad noong Marso 7, 2021 ang isang simultaneous and enhanced police and military operation (SEMPO) sa Cavite, Laguna, Batangas, […]

Pahayag sa Okasyon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
March 08, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa makasaysayang araw na ito, binabati at binibigyang pugay natin ang lahat ng mga kababaihan sa Mindoro, sa bansa at sa buong mundo, sa patuloy nilang pakikibaka upang makamit ang pagpapabuti ng kanilang kalagayan at mga karapatan. Para sa mga kababaihan sa Mindoro at sa bansa, nangangahulungan ito ng pakikibaka sa lahat ng aspeto ng […]

Panagutin ang mga ganid na korporasyon at inutil na estado sa trahedyang dulot ng dambuhalang mina!
March 07, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST sa malakas na pananawagan ng hustisya para sa mga biktima ng sakuna ng pagguho ng lupa sa Masara, Maco, Davao de Oro noong Pebrero 6 na nagresulta sa pagkasawi ng halos 100 at pagkapinsala ng higit 5,000 mamamayan. Dagdag pasakit ang naranasang trauma at pagkawasak ng kanilang mga tahanan at ari-arian. Dapat […]

Paigtingin ang pakikibakang bayan laban sa chacha! Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon!
March 02, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kaisa ng mamamayang Pilipino ang NDFP-ST sa kanilang pakikibaka para tutulan ang charter change (chacha) na pinapakana ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II. Ikinalulugod ng NDFP-ST ang pagbubuklod ng mga oposisyon, kritiko, taong simbahan, progresibo at makabayang organisasyon upang palawakin at konsolidahin ang lakas ng bayan para labanan at pigilan ang chacha. Marapat na buong kasigasigan […]

59th IB PA, AFP at Marcos II: Basurero, Latak ng Kasaysayan
February 27, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Walang tigil ang kakapalabas ng 59th IB PA at ng 201st ID PA-AFP ng mga post at pahayag sa midya hinggil sa diumano ay panibagong mga sumukong NPA. Lagi’t laging ginagawang katawa-tawa ng mga berdugong ito ang kanilang sarili sa kasasabing iilan na lang ang natitirang NPA sa Batangas pero maya’t maya naman nilang sinasabi […]