Archive of Workers

Mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita, muling iginigiit ang kanilang karapatan sa lupa
August 10, 2023

Nagtungo sa Mendiola noong Agosto 8 ang mga manggagawang-bukid sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), kasama ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), para muling igiit ang kanilang karapatan sa Hacienda Luisita. Ang aksyong protesta ay kasabay ng paghahapag ng kanilang mga abugado ng motion for reconsideration para […]

₱750 minimum na sahod sa Calabarzon, iginiit
August 08, 2023

Nagtipon sa upisina ng Regional Wage Board 4-A sa Batangas City kahapon, Agosto 7, ang mga manggagawa mula sa Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP) at Workers’ Initiative for Wage Increase-ST. Lumahok ang mga manggagwa sa ipinatawag na public hearing para sa dagdag-sahod sa rehiyon. Panawagan ng mga manggagawa na gawing ₱750 ang minimum […]

SM City Santa Rosa, pinananagot sa pagkamatay ng 2 manggagawa
August 08, 2023

Nanawagan ang mga manggagawa sa Laguna sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawa sa Probinsya ng Laguna (AMPL) para papanagutin ang SM City Santa Rosa sa pagkamatay ng dalawang manggagawa habang naglilinis sa septic tank o poso negro ng gusali noong Agosto 6. Nakiramay din ang grupo sa mga pamilya ng mga nasawi. “Marapat lang […]

DoH, kinalampag ng manggagawang pangkalusugan sa mga pribadong ospital
August 05, 2023

Nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa mga pribadong ospital sa harap ng upisina ng Department of Health (DOH) sa Maynila noong Agosto 3 at Agosto 4 para singilin si Secretary Dr. Teodoro Herbosa sa matagal nang naantalang Health Emergency Allowance (HEA). Nakiisa ang mga lokal na unyon sa aabot sa 30 ospital sa dalawang […]

Bakanteng mga pusisyon ng manggagawang pangkalusugan ng PGH, dapat punan
July 31, 2023

Sa pang-apat na pagkakataon, naglunsad ng “Friday protest” noong Hulyo 28 ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng All UP Workers Union-Manila/Philippine General Hospital para igiit sa maneydsment nito na itigil na ang pagkuha ng serbisyo ng mga pribadong kumpanya para sa ilang aspeto ng gawain sa ospital at sa halip ay punan ang bakanteng […]

Lalamove drivers, nagstrike
July 24, 2023

Tinatayang 7,000 drayber at rider (mga nagdedeliber na nakamotorsiklo o bisikleta) ng Lalamove ang lalahok sa “strike booking” o hindi pagtanggap ng trabahong deliberi ngayong araw, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. Layon nilang iprotesta ang hindi makataong pamamalakad ng kumpanya at igiit ang kanilang panawagan para sa makatarungang […]

4,000 manggagawa ng dayuhang mga pabrika sa Cebu, sinisante
July 21, 2023

Mahigit 4,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa isa na namang serye ng mga tanggalan sa Mactan Export Processing Zones (MEPZ) noong Hulyo 19. Bago nito, mahigit 8,000 na ang sinisante sa loob ng sona ng paggawa noong Setyembre 2022 at Setyembre 2020 sa pagdadahilang “nalulugi” ang mga kumpanya. Sa ulat ng Alyansa sa mga […]

Manggagawang pangkalusugan ng RITM, nagprotesta
July 18, 2023

Naglunsad ngayong araw ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para igiit ang dagdag-sahod at pagbibigay ng mga naantalang alawans at para ipahayag ang pagtutol sa planong pag-abolish sa RITM ng rehimeng Marcos Jr. Anila, magdudulot ng malawakang tanggalan ang planong pag-abolish sa RITM para bigyang daan ang pagtatayo […]

US, nanunulsol ng gerang nukleyar sa Korea
July 18, 2023

Isang hakbang tungo sa gerang nukleyar ang sadyang ginawa ng US nang ipalayag nito sa karagatan ng Korea ang isang submarinong nagdadala ng mga armas nukleyar nitong Hulyo 18. Ibinalita sa iba’t ibang pahayagan ang kauna-unahang pagdaong ng naturang submarino sa Busan, South Korea sa loob ng apat na dekada. Huling nagpadala ng gayong submarino […]

Mga artista at manggagawa sa Hollywood, nagwelga
July 15, 2023

Ikinasa ng mga manggagawa ng Hollywood, katawagan sa industriya ng entertainmet sa US, ang kanilang welga noong Hulyo 14 matapos ang ilang buwang negosasyon sa malalaking kumpanya na kinakatawan ng Alliance of Motion Picture and Television Producers (AMPTP). Ang mga aktor at iba pang manggagawa ay bahagi ng Screen Actors Guild – American Federation of […]