Archive of Workers

Daan-daang libong manggagawa sa UK, naglunsad ng mga welga
December 18, 2022

Ikinasa ng mga unyong manggagawa sa iba’t ibang sektor ng United Kingdom ang kani-kanilang mga welga para sa disenteng sahod at makataong mga kundisyon sa paggawa nitong Disyembre. Tinatayang aabot sa 500,000 hanggang isang milyong manggagawa ang magwewelga hanggang sa katapusan ng taon. Bahagi ang mga ito sa pagsiklab ng mga pakikibaka ng mga manggagawa […]

Maramihang pangingibang-bansa ng mga nars, pinangangambahan
December 15, 2022

Nangangamba ang Filipino Nurses United na maramihang aalis ang mga may karanasang nars matapos ang alok ng New Zealand ng “residency” (permanenteng paninirahan) at mas mataas na sahod sa sinumang nars na handang magtrabaho doon. Gayundin ang pahayag ng Philippine Nurses Association na nagsabing posibleng maapektuhan ang operasyon laluna ng mga pribadong ospital kung mangyari […]

Makibaka para sa taas-sahod at karapatan sa paggawa!
December 15, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Makatarungan at lubhang kinakailangan ang taas-sahod na panawagan ng mga manggagawa at buong bayan sa gitna ng lumalalang kahirapan sa bansa. Ito lamang ang sagot sa napakalaking kakapusan ng kasalukuyang sahod para abutin ang inirerekomendang family living wage o FLW (P1,140) na sapat sa pangangailangan ng isang pamilya. Buo ang suporta ng NDFP-ST rito at […]

"Noche buena" ng pagtitiis para sa manggagawa, milyun-milyon para sa mga burukrata at kapitalista
December 13, 2022

Umani ng kabi-kabilang batikos ang Department of Trade and Industry sa inilabas nitong “rekomendasyon” ng mga pagkaing maaaring bilhin ng mga Pilipino para “makatipid” sa “noche buena” ngayong taon. Nasa listahan na ito ang ilang pirasong ham, tinapay, spaghetti (na hahaluan ng 1/8 kilong baboy), at fruit salad na ipinagpalagay nitong nagkakahalaga lamang ng ₱500. […]

Nob 30: Araw ni Bonifacio at ng Masang Anakpawis
December 02, 2022

Nagmartsa mula Liwasang Bonifacio tungong paanan ng Mendiola sa Lunsod ng Maynila ang mga manggagawa, maralitang-lunsod at iba pang mga sektor bilang paggunita sa ika-159 Araw ni Bonifacio na idineklara din nilang Araw ng Masang Anakpawis. Panawagan nila ang pagtataas ng sahod, at pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Sa minimun, dapat itaas ang sahod […]

United Labor, magmamartsa para sa sahod, trabaho, serbisyo publiko at karapatan
November 29, 2022

Nagtipun-tipon kaninang hapon sa University of the Philippines-Diliman ang mga kinatawan ng United Labor, grupo ng iba’t ibang unyon at koalisyon ng mga manggagawa, para ianunsyo ang kanilang nagkakaisang tindig para sa dagdag na sahod, trabaho, serbisyo publiko at karapatan. Inianunsyo nila na magsasama-sama sila bukas sa isang kilos protesta sa Mendiola sa Maynila. Kabilang […]

The CPP is in solidarity with workers' demand for wage increases during Bonifacio Day
November 29, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

The entire Communist Party of the Philippines (CPP) extends its solidarity to all workers and their unions and various forms of association, as well as with the rank-and-file public and private employees and small professionals, and supports their mounting clamor for wage increases, as the Filipino people mark tomorrow the 159th birth anniversary of Andres […]

Mga inhinyero, mangingisda, nanawagan ng taas-sahod
November 29, 2022

Sa darating na Nobyembre 30, kasama ang mga inhinyerong Pilipino sa mga manggagawang mananawagan ng pagpapataas ng sahod, laluna para sa mga bagong gradweyt na engineering. Ayon sa Pro-People Engineers and Leaders (PROPEL), organisasyon ng mga inhinyero, nasa ₱16,000 hanggang ₱22,000 lamang ang sahod ng isang bagong inhinyero sa National Capital Region, at ₱10,000 hanggang […]

Nakikiisa ang PKP sa sigaw ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod sa Araw ni Bonifacio
November 29, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Ipinaaabot ng buong Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pakikiisa sa lahat ng mga manggagawa at kanilang unyon at iba’t ibang tipo ng asosasyon, gayundin sa mga karaniwang kawani sa publiko at pribadong sektor, at lahat ng maliliit na propesyunal, at sinusuportahan ang kanilang lumalakas na panawagan para sa dagdag na sahod, kasabay ng paggunita […]

Umento sa sahod, naigiit ng unyon sa Laguna
November 28, 2022

Nakamtan ng mga manggagawa ng Technol Eight Philippines sa pamumuno ng kanilang unyon ang pagtaas ng sahod at iba pang mga benepisyo matapos ang gitgitan at ilang ulit na pakikipagnegosasyon sa maneydsment ng kumpanya. Nagharap ang maneydsment at ang Technol Eight Philippines Workers Union (TEPWU-OLALIA-KMU) sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) noong Nobyembre 24 […]