Archive of Fascism

Pekeng Labanan ng 85IB, Terorismo sa buong Bayan
February 07, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Si Lt. Col. Joel Jonson at ang 85th IB ang tunay na terorista at naghahasik ng kaguluhan sa buong South Quezon-Bondoc Peninsula. Dahil sa desperasyon na durugin ang isang yunit ng NPA na nakasagupa nila sa San Francisco, kamakailan, nagpakalat ng gawa-gawang labanan si Jonson sa Barangay Butanguiad. Dapat na kundenahin ng taumbayan ang paghahasik […]

Mamamayan ng Sta. Elena dinahas ng AFP
February 07, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Sa Camarines Norte, pinasok ng 7 armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga ahente ng estado ang bahay ni Tino Manalo noong Pebrero 4. Residente si Manalo ng Barangay Don Tomas, Sta. Elena at hinahanap umano sa kanya ang mga pinatagong kagamitan ng NPA. Kaugnay pa, sa parehong lugar, pinuntahan din ng tatlong hindi kilalang kalalakihan ang […]

Panggigipit sa fact finding mission ng mga demokratikong grupo sa India, kinundena
February 06, 2023

Kinundena ng grupong Forum Against Corporatization And Militarization (FACAM) sa India ang panggigipit at pananakot ng mga pwersa ng estado sa 25 delegado ng isang fact finding mission ng Coordination of Democratic Rights Organisations (CDRO) sa bayan ng Dubbatota, Sukma District sa estado ng Chhattisgarh noong Pebrero 1-5. Layon ng misyon na mag-imbestiga kaugnay ng […]

Dalawang magsasaka, binantaang pupugutan ng ulo ng 79th IB
February 05, 2023

Iligal na idinetine ng mga sundalo ng 79th IB ang mga magsasakang sina Rex Lumayno at Eric Opinggo sa Sityo Odiong, Barangay Bandila, Toboso, Negros Occidental. Habang nasa kustodiya ng militar, dinala sila sa malayong lugar at binantaang pupugutan ng ulo. Tatlong oras silang hawak ng mga sundalo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga noong […]

Kondenahin ang terorismo mula sa himpapawid ng 5IDPA sa Hacienda Intal, Baggao
February 04, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Cagayan Valley | NDF-Cagayan | Celia Corpuz | Spokesperson |

Tinotoo ng AFP ang matagal na nilang pagbabanta na bobombahin ang Arimit matapos itong maghulog ng apat na bomba, magpaulan ng rockets at walang-habas na nagmasinggan sa mga upland farm ng Arimit at Erya gamit ang attack helicopters na Sikorsky S70i Black Hawk at Agusta Westland 1129 ATAK. Sukdulang kinukondena ng National Democratic Front – […]

3rd SFB, muli na namang nanalasa sa Lianga
February 03, 2023

Limang magsasaka ang pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 3rd SFB, 9th company sa ilalim ni Army Captain Agoña noong Enero 24, 2023 alas-8 ng umaga sa Sityo Emerald, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur. Nasawi rito si Danny Malinao, 48 taong gulang, residente ng naturang lugar. Dinala sa sentro ng sityo ang labi ni […]

Pagbansag na "terorista" sa isang doktor, binatikos
February 01, 2023

Kabi-kabila ang pagbatikos sa resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nagtalaga kay Dr. Natividad Castro, isang community doctor, bilang isang terorista. Isinapubliko ng naturang konseho ang resolusyong may petsang Disyembre 7, 2022 noong Enero 30. Ang ATC ay kapulungang nilikha sa bisa ng Anti-Terror Law. Si Dr. Castro o Doc Naty ay kilalang duktor na […]

Mga aktibista sa Cordillera, ginigipit; kinasuhan ng rebelyon
February 01, 2023

Inaresto ng mga pulis si Jennifer Awingan, isang katutubo ng Kalinga at myembro ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) sa kanyang bahay sa Barangay Pinsao Proper, Baguio City noong Enero 30. Sinampahan siya, kasama ang walo pang progresibo, ng gawa-gawang kasong rebelyon sa rehiyon ng Cordillera at Ilocos. Si Jen Awingan ay mula sa Limos, Kalinga, […]

Itakwil ang mersenaryo at pasistang tradisyon ng AFP!
February 01, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang pagpaslang ng berdugong 1001st Bde at hepe nitong si Jesus Durante III sa modelong si Yvonne Chua-Plaza. Ang pagpaslang sa kanya ay bahagi ng maruming gera ng sabwatang Marcos-Duterte laban sa mamamayan at lahat ng kritiko nito at hindi isang simpleng crime of passion na gustong palabasin […]

Tulungan at ipagtanggol ang mamamayan ng Quezon laban sa pandarahas ng AFP
January 31, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa lahat ng mapagkawanggawang institusyon, tunay na lingkod bayan, taong simbahan at internasyunal na makataong organisasyon na tulungan ang mamamayan ng Quezon laban sa atrosidad ng 85th IBPA, 201st Brigade at Southern Luzon Command. Nangangailangan ng mga ayuda at tulong psycho-social ang mga biktima. Ayon sa ulat ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-NPA […]