Pahayag

Alalahanin at pagpugayan ang mga martir ng sambayanan! Kabataang Ilocano, ipagpatuloy ang armadong rebolusyon laban sa korapsyon, dinastiyang pulitikal, at pandarambong sa kalikasan! Palitan ang nabubulok nang sistema!

,

Pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan Ilocos-Julius “Ka Goyo” Marquez ang mga martir ng pambansa-demokratikong rebolusyon mula sa Ilocos region. Ngayong undas, inaalala natin ang lakas, panahon, talino, at maging buhay na inialay ng ating mga rebolusyonaryong martir alang-alang sa pagpapalaya ng masang magsasaka, katutubo, manggagawa, kabataan, kababaihan, at buong sambayanang api.

Nag-iwan sila ng alaala at mga aral na kailangan nating tanganan bilang susunod na henerasyon ng mga  rebolusyonaryo. Bilang bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryo, tungkulin nating tanganan ang mga naiwan nilang armas at makilahok sa armadong pakikibaka. Ang pinakamagandang alay sa mga martir ng rebolusyon ay ang pagpapatuloy sa isinulong nilang pambansa-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba.

Mataba ang lupa ngayon para sa pagrerebolusyon at pagpapalahok ng laksang kabataan sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Maraming kabataan ang galit na galit sa sistemang bulok at pinamumugaran ng mga kurakot na opisyal ng gobyernong ninanakaw ang kanilang kinabukasan!

Idireksyon natin ang ating galit sa korapsyon tungo sa armadong pakikibakang dudurog sa nabubulok nang sistema. Palitan na natin ang sistema!

Armadong pakikibaka ang sagot sa korapsyon at kabulukan ng sistema

Sumambulat na sa mamamayang Pilipino ang kabulukan ng sistemang malakolonyal at malapyudal nang sumabog ang isyu ng malalang korapsyon sa mga flood control projects sa ilalim ng nakaraang rehimeng US-Duterte at nagpapatuloy sa ilalim ng rehimeng US-Marcos 2. Sumabog ang galit ng mga mamamayan at marami ang naliliwanagang hindi na sapat ang reporma, eleksyon, at pagkilos sa loob ng sistema para tanggalin ang kabulukan nito.

Sa loob ng sistemang malakolonyal at malapyudal, pinaghaharian tayo ng iilang panginoong maylupa at malaking burgesya komprador o malalaking negosyante. Kitang-kita ito sa rehiyong Ilocos na pinaghaharian ng mga political dynasty katulad ng mga Singson ng Ilocos Sur, Marcos ng Ilocos Norte, at Ortega sa La Union. Itinuturing pa ang mga ito bilang oldest (Ortega), fattest (Singson) at most influential (Marcos) political dynasties.

Habang naghihirap ang masang Ilocano, payaman nang payaman ang mga pamilyang ito sa pamamagitan ng pandarambong sa likas yaman ng Ilocos at lakas-paggawa ng mamamayan. Habang nakikinabang sila sa mga proyekto katulad ng eko-turismo sa La Union, nakasisirang dredging sa Ilocos Sur, at renewable energy projects katulad ng mga wind farm, nababawasan o kaya ay naaapektuhan ang kabuhayan ng masang magsasaka at mangingisda at maging ang kalikasan ay nasisira.

Ang mga kabataan naman ay palaging pinapahirapan ng malalang kakulangan sa pondo sa edukasyon na nakikita sa kulang at sira-sirang mga building at pasilidad pati ng  napakakaunting mga slot ng puwedeng mag-aral sa mga state university sa rehiyon. Mayroon pang mga kaso kung saan naniningil pa ng mga fee ang mga state university sa mga estudyante sa ilang kurso, katulad ng Related Learning Experience (RLE) Fee sa mga nursing students sa na labag sa batas mismo ng reaksyunaryong gobyernong Universal Access To Tertiary Education Act.

Dahil mga kapitalista at panginoong maylupang ganid sa kita at lupa ang mga nakaupo sa gobyerno, natural na at parte ng sistema ang korapsyon. Konkretong manipestasyon ito ng burukrata kapitalismo, kung saan pinapatakbo ng naghaharing uri ang gobyerno bilang bahagi ng kanilang negosyo.

Sa burukrata kapitalismo, nagpapayaman ang iilang makapangyarihang pamilya at negosyo sa pamamagitan ng mga kinurakot na proyekto at mga polisiyang ginagawang ligal ang pang-aagaw ng lupa ng magsasaka at pagpapapasok ng mga dayuhang korporasyon para dambungin at sirain ang kalikasan para lamang sa kita. Dahil dito, nananatili ang pyudalismo sa bansa, (ang monopolyo sa lupa ng iilan habang walang lupa ang mga magsasaka) na kinakatuwa naman ng mga imperyalistang bansa dahil mura lang silang nakakakuha ng hilaw na materyales.

Dapat mapangahas na magpalawak ang rebolusyonaryong kilusang kabataan

Maraming kabataan ang galit sa sistematikong korapsyon. Ang rebolusyonaryong kabataan ay dapat lalo pang magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng iba pang kabataan at imulat sila  sa katotohanang armadong paglaban lamang ang magbabago ng sistema.

Sa pamamagitan ng pag-oorganisa at kolektibong pagkilos, nabibigkis ang hiwa-hiwalay na galit ng mga kabataan at nagiging konkretong lakas na hahambalos sa naghaharing-uri sa pamamagitan ng mga papalaking protesta sa lansangan hanggang sa pagsampa sa Bagong Hukbong Bayan sa kanayunan.

Labanan ang bulok na sistema, makilahok sa armadong pakikibaka!

Kabataan ng Ilocos, ituloy ang nasimulan ng mga rebolusyonaryong martir! Sumapa sa New People’s Army!

Alalahanin at pagpugayan ang mga martir ng sambayanan! Kabataang Ilocano, ipagpatuloy ang armadong rebolusyon laban sa korapsyon, dinastiyang pulitikal, at pandarambong sa kalikasan! Palitan ang nabubulok nang sistema!