Pahayag

Kabataan, Kumilos Para Baguhin ang Bulok na Sistema! Isulong ang Digmang Bayan! Sumali sa Kabataang Makabayan-Agaton Topacio!

, ,

Download

“Only through militant struggle can the best in youth emerge.”
—Jose Maria Sison, Founding Chairperson of Kabataang Makabayan

Rebolusyonaryong pagbati sa lahat ng kabataang lumalaban! Kami ang Kabataang Makabayan-Balangay Agaton Topacio, at ang layunin namin ay pabagsakin ang bulok na sistema! Sa pamamagitan ng pagsulong ng rebolusyonayong pagbabago kasama ng Partido at Hukbo ng mamamayan, nananabik kami, kasama ang malawak na hanay ng kabataan para sa pagkabagsak ng mapang-aping gobyerno at para sa tunay na pagbabago!

Binabati ng Kabataang Makabayan-Agaton Topacio ang mga militanteng kabataan na mapangahas na kumilos nitong mga nakaraang araw at linggo. Istorikal ang kasalukuyang panahon, at mula sa pagkilos ng daan-daang libo mula sa baha sa Luneta, mga kumilos sa EDSA, at ang dumagundong patungong Mendiola, ay patuloy nating yayanigin ang poder ng naghaharing-uri sa kalunsuran alinsabay ng masiglang pagbibigay-suporta sa mga Pulang hukbo sa kanayunan. Binabati at ikinalulugod din namin ang mga sunod-sunod na mga walkout mula UP hanggang De La Salle-College of St. Benilde. Sa pangkabuuan, higit 40,000 na kabataan ang kumilos at tumindig laban sa korapsyon at para kundenahin ang mga atake ng pasistang estado sa mga kabataan. Ipagpatuloy natin ang kilusang protesta, ipagpatuloy natin ang pag-oorganisa ng laksa-laksang kabataan sa panig ng rebolusyon laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo!

Araw-araw sinasanay natin ang ating mga sarili at nagpapalakas tayo para mapanagot ang mga salot na burukrata kapitalista. Nais natin pabagsakin ang mga Marcos, nais natin na pabagsakin ang mga Duterte, at panagutin ang lahat ng mga nasa naghaharing uri hanggang makatatag tayo ng isang demokratikong gobyerno ng mamamayan kung saan sisikapin nating makamit ang isang lipunan na tunay na maninilbihan sa lahat, lalo na sa mga pinakamahirap. Lumalagablab ang apoy ng militanteng diwa at tradisyon ng Kabataang Makabayan sa hakbang-hakbang na pag-organisa ng mga kabataan patungo sa landas ng Demokratikong Rebolusyong Bayan.

Mag-aral tayo tungkol sa digmang bayan, tumungo tayo sa kanayunan. Katulad ng magigiting na Katipunero, magpakahusay tayo at ilaan natin ang ating mga oras, talento at kakayahan para sa rebolusyon.

Hinahanap ng Kabataang Makabayan-Agaton Topacio ang mga abanteng mga kabataan na lipos ang diwang makabayan, palaban, at mapangahas upang katuwangin sila sa mga mahahalagang tungkulin ng rebolusyon.

Patunay ang mga pangyayari sa lipunan ngayon na walang ibang paraan kundi ang pagtahak ng landas ng rebolusyonaryong digma! Ito ang tunay na sagot sa bulok na sistema at sa korapsyon na namumutawi rito. Ito ay isang pagkakataon para makilahok at makaambag sa mahabang kasaysayan ng mga kabataang pinili ang ‘di pangkaraniwang landas ng rebolusyon at panlipunang pagbabago. Kabataan, sumapi sa KM-Agaton Topacio! Isulong ang digmang bayan! Labanan ang mga korap na pasistang pahirap sa mamamayan! Mabuhay ang rebolusyon! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Kabataan, Kumilos Para Baguhin ang Bulok na Sistema! Isulong ang Digmang Bayan! Sumali sa Kabataang Makabayan-Agaton Topacio!