Kabataan, umahon mula sa baha ng kahirapan at korapsyon! Change the system, isulong ang digmang bayan!
Binabati ng Kabataang Makabayan-Agaton Topacio ang mga militanteng kabataan na mapangahas na kumilos nitong mga nakaraang araw patungo sa ika-21 ng Setyembre, ang anibersaryo ng pagpataw ni Marcos Sr ng Martial Law. Lumalagablab ang apoy ng militanteng diwa at tradisyon ng Kabataang Makabayan sa hakbang-hakbang na pag-organisa ng mga kabataan patungo sa landas ng Demokratikong Rebolusyong Bayan (DRB). Mula sa mga bangkaroteng kondisyon ng umaalingasaw na bulok na naghaharing sistema, umusbong ang baha ng galit ng mamamayan at dumaluyong ito patungong Mendiola!
Mula sa mga ulat, malalaman namin na ilan mula sa mga kabataang lumaban noong Sept. 21 ay marahas na binugbog at inaresto ng mga pulis, may ilan na hindi naman kasama ng kilos protesta at maraming bata ay kasama sa bilang ng mga dinampot na hindi pa napapalaya. Noong gabi din ng 21, pinagbabaril ng mga pasistang galamay ng Manila Police District (MPD) ang mga nagkilos-protesta at may ilang tao na hindi parte ng protesta ang pinatay ng pulisya. Kinukundena namin ang tahasang pasismo ng estado at nananawagan kami ng rebolusyonaryong hustisya para sa mga biktima ng pasismo! Sa panahon kung saan ang sagot ng estado sa mga lumalaban para sa kanilang karapatan ay ang pagpapaulan ng karahasan, patunay ito na walang ibang paraan kundi ang pagtahak ng landas ng rebolusyonaryong digma. Nananatili na ito ang tunay na sagot sa bulok na sistema at sa korapsyon na namumutawi rito.
Dahil sa malawakang kawalan ng lupa, trabaho, pagkabarat ng sahod at kawalan ng pagkain, sumabog ang poot ng kabataang maralitang lungsod laban sa korapsyon at nagpakita sila ng katapangan na harapin ang pasistang kaaway. ‘Di man sila organisado, nagpakita sila na lipos ang kanilang katapangan at militansya. Kailangan itong bigyan ng direksyon. Paalala ito sa mga petiburgesyang kabataan-estudyante na kailangan nating mapangahas na lumubog sa mga komunidad, paglingkuran sila at bigyan silang pagkakataon na ipakita ang kanilang kagalingan at kahusayan sa pagsulong ng rebolusyon. Tiyak na ang pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan ang tunay na wawasak sa mga palasyo ng mga naghahari-hariang korap. Bahain ng galit ang mga sangkot sa malawakang korapsyon at sistematikong pagbenta sa mga yaman ng Pilipinas sa mga dayuhan!
Nararapat lang na magtipon ng lakas ang mga kabataan mula sa mga iba’t ibang pinanggagalingan tulad ng nga magsasaka, estudyante at maralitang lungsod upang pabagsakin ang naghaharing sistema. Makipag-aralan mula sa isa’t isa, upang patalasin ang kakayahan na suriin ang lipunan at direksyunan ang mga iba’t ibang porma ng paglaban sa pasistang kaaway at iba’t ibang porma ng pagdepensa ng komunidad. Mula sa paggawa ng mga mas abanteng porma ng pagbuwag sa mga barikada ng kaaway hanggang sa mga operasyong lihim na sasagka sa kakayahan ng kaaway na tugisin ang rebolusyonaryong kilusan. Tanganan natin ang tungkulin na palakasin ang kilusang masa sa mga kalunsuran at kilusang pagpapasampa sa kanayunan! Isulong ang digmang bayan hanggang sa pagtayo ng isang tunay na gobyerno na nagsisilbi para sa interes ng mamamayan!
Kaisa niyo ang Kabataang Makabayan sa laban para baguhin ang sistema, sumapi sa Kabataang Makabayan – Agaton Topacio!
Palayain ang Mendiola 216, palayain silang lahat! Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!
Isulong ang digmang bayan, sumapi sa New People’s Army!
Sagot sa kahirapan, digmang bayan!