Pa­tung-pa­tong na ham­ba­los ng ma­pa­min­sa­lang pag­mi­mi­na

,

Pi­nir­ma­han ni Rod­ri­go Du­ter­te noong Abril 14 ang Execu­tive Order 130 na nag­wa­kas sa 9-ta­ong mo­ra­tor­yum sa pag­bu­bu­kas ng mga ba­gong mi­na­han. Ipi­na­taw ang mo­ra­tor­yum noong 2012 ng re­hi­meng Aqui­no III sa ilang pro­tek­ta­dong mga lu­gar ha­bang hin­di pa na­ba­ba­go ng Kong­re­so ang tan­tos sa pag­bu­bu­wis sa mga kum­pan­ya ng mi­na. Sa pa­na­hong iyon, may­ro­ong na­ka­ha­pag na di ba­ba­ba sa 291 ba­gong ap­li­ka­syon sa pag­mi­mi­na. Na­ka­ba­tay ang kau­tu­san sa Phi­lip­pi­ne Mi­ning Act na isinabatas noon pang 1995.

Pa­tung-pa­tong na ham­ba­los sa ma­ma­ma­yan ang idudulot ng pag­ba­ba­su­ra sa mo­ra­tor­yum at pag­pa­pa­tu­loy sa ma­pang­wa­sak na pag­mi­mi­na sa ban­sa. Dag­dag sa buu-bu­ong ini­lu­lu­was ng mga kum­pan­ya ng mi­na ang hi­law na ma­ter­ya­les mu­la sa mga mi­na­han (ka­bi­lang ang lu­pa), ga­ga­mi­tin diu­ma­no ang re­ben­yu na ma­ku­ku­ha ri­to bi­lang pam­ba­yad sa bil­yun-bil­yong pi­song inu­tang ng es­ta­do. Na­ka­ug­nay din ito sa pag-a­kit ng da­yu­hang ka­pi­tal na inaa­sa­han ni Du­ter­te na mag­po­pon­do sa kan­yang maa­no­mal­ya at ma­ka­da­yu­hang mga pro­yek­tong imprastruk­tu­ra sa ila­lim ng prog­ra­mang Build, Build, Build.

Ka­bi­lang sa na­bang­git na pa­pa­ya­gang mag-o­pe­reyt ang ma­la­la­wak na minahan ng Sa­git­ta­ri­us Mi­nes Inc. (SMI), KingKing Mi­ning Cor­po­ra­ti­on at Si­la­ngan Min­da­nao Mi­ning Cor­po­ra­ti­on. La­hat ng mga ito ay na­sa Min­da­nao at ma­ta­gal nang ti­nu­tutu­lan ng ma­ma­ma­yan.

Ayon sa mga upi­syal ng re­hi­men, ma­ka­li­li­kom diu­ma­no ng ₱21 bil­yon ang gub­yer­no kung pa­hi­hin­tu­lu­tang mag­bu­kas ang 100 ba­gong mi­na­han. Pe­ro ayon sa Cen­ter for Envi­ron­men­tal Concerns, na­sa 8%-10% la­mang ang nasingil ng gub­yer­no mu­la sa mga kontra­ta sa pag­mi­mi­na. Kapalit ng natu­rang rebenyu ti­na­ta­yang aa­bot sa ₱210 bil­yong ha­la­ga ng mga mi­ne­ral ang ila­la­bas sa ban­sa ng mga kum­pan­yang ito, im­bes na ma­pa­ki­na­ba­ngan ng lo­kal na eko­nom­ya.

Sa aktwal, na­pa­ka­li­it ng iniaam­bag ng sek­tor ng pag­mi­mi­na sa eko­nom­ya ng ban­sa. Noong 2020, na­sa 0.75% la­mang ito ng ka­buuang gross do­mes­tic pro­duct ng ban­sa. Ayon sa Ibon Foun­da­ti­on, ka­ka­ram­pot la­mang na ₱15.5 bil­yon ang na­li­kom ng es­ta­do mu­la sa in­dustri­ya sa an­yo ng mga bu­wis, ba­ya­rin at ro­yal­ti­es. Ka­tum­bas la­mang ito ng 0.07% sa ka­buuang bu­wis na na­li­kom ng rehimen.

Wa­la ring 1% ang ini­emple­yo ng in­dustri­ya. Alin­su­nod sa da­tos ng gub­yer­no, na­sa 190,000 la­mang na mang­ga­ga­wa ang na­ka­emple­yo sa pag­mi­mi­na noong 2019. Ang ti­na­ta­yang 42,000 ba­gong tra­ba­ho na ma­li­lik­ha ng ba­gong kau­tu­san ay wa­la pang ka­ti­ting sa bi­lang ng mga tra­ba­hong na­wa­la at pa­tu­loy na na­wa­wa­la da­hil sa sob­rang ta­gal na lockdown.

Sa ka­bi­lang ban­da, ti­ba-ti­ba sa ki­ta ang mga lo­kal at da­yu­hang kum­pan­ya sa pag­mi­mi­na ka­hit sa ka­sag­sa­gan ng pan­dem­ya. Isa sa pi­na­ka­tu­ma­bo ng tubo ang Nickel Asia, ang nag-oo­pe­reyt sa Ta­ga­ni­to Mi­ning Cor­po­ra­ti­on, Rio Tu­ba Nickel Mi­ning Cor­po­ra­ti­on, at Cag­dia­nao Mi­ning Corp/ East Coast Mi­ne­ral Re­so­urces Cor­po­ra­ti­on. Lu­mo­bo ang ne­tong ki­ta ng Nickel Asia tu­ngong ₱4.07 bil­yon noong 2020, 53% na mas ma­ta­as sa ₱2.63 bil­yong ki­ta ni­to noong 2019. Tu­ma­bo rin ang Phi­lex Mi­ning Corporation na nag­ta­la ng ne­tong ki­ta na ₱1.16 bil­yon, o 645% na mas ma­ta­as kum­pa­ra sa 2019. Ang mga kum­pan­yang ito ang nag-oo­pe­reyt sa ilan sa pi­na­ka­ma­pang­wa­sak na mga mi­na­han sa ban­sa.

Ka­li­wa’t ka­nan na pag­tu­tol ng mga ta­ga­pag­tang­gol ng ka­li­ka­san, ng sim­ba­hang Ka­to­li­ko at mga de­mok­ra­ti­kong sek­tor ang su­ma­lu­bong sa EO 130. Anang mga gru­po, mag­da­da­la la­mang ang kautusan ng dag­dag na ka­ma­ta­yan at pin­sa­la sa ban­sa. Ka­bi­lang sa tu­mu­tol ang diyosesis ng Mar­bel laluna sa pag­bu­bu­kas ng mi­na­han ng SMI sa Tam­pa­kan, South Cotabato. Nag­pa­hayag din ng pagtutol sa kautusang ito ang Ca­ra­ga Watch, Ba­yan Mu­na, Ka­li­ka­san Net­work, Pa­na­lip­dan Min­da­nao at ma­ra­mi pang iba na de­ka-de­ka­da nang lu­ma­la­ban sa ma­pa­min­sa­lang mi­na.

Ayon sa Ka­li­ka­san Net­work, ang pag­bu­bu­kas ng mga ba­gong mi­na­han ay mag­re­re­sul­ta sa dag­dag na ka­pin­sa­la­an sa ka­li­ka­san. Pau­lit-u­lit nang na­pa­tu­na­yan ang ma­sa­sa­mang epek­to ng mga mi­na­han sa sup­lay ng tu­big at pag­ka­in, ga­yun­din sa ka­gu­ba­tan at bio­diver­sity ni­to. Ka­bi­lang sa mga epek­to nito ang mas ma­da­las at na­ka­ma­ma­tay na mga pag­ba­ha na nag­du­du­lot ng bil­yun-bil­yong pin­sa­la sa bu­hay at ka­bu­ha­yan ng ma­ma­ma­yan.

Pa­tung-pa­tong na ham­ba­los ng ma­pa­min­sa­lang pag­mi­mi­na