War games ng US sa South Korea, tinutulan

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Libu-libo ang nagrali sa Seoul, kabisera ng Republic of Korea (ROK o South Korea), noong Agosto 10 para tutulan ang Ulchi Freedom Shield (UFS) 2024 na nakatakdang ilunsad sa bansa mula Agosto 19 hanggang Agosto 29. Ang war games na ito ay taunang inilulunsad ng US sa ROK, pero para ngayong taon ay isasama sa unang pagkakataon ang ehersisyong pagtugon ng ROK sa panahon ng isang atakeng nukleyar.

Ipinanawagan rin nila ang pagbabasura ng alyansang militar ng US, Japan at South Korea at ang pagbibitiw ni Presidente Yoon Seok Yeol na sunud-sunuran sa US.

War games ng US sa South Korea, tinutulan