"Deklarasyon ng kooperasyon" ng UP at AFP, pagyurak sa akademikong kalayaan

,

Kabi-kabila ang pagbatikos sa “deklarasyon ng kooperasyon” ng University of the Philippines (UP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinirmahan noong Agosto 8. Malaking pagyurak ito sa akademikong kalayaan, ayon sa mga kritiko.

Ang pagpasok ng unibersidad sa kasunduang ito ay magtutulak sa UP na maging kasabwat sa laganap na mga paglabag sa karapatang-tao at pampulitikang panunupil na ginagawa ng AFP, ayon sa mga tumututol dito. Ginagawa nitong lehitimo ang kasalukuyang panunupil sa kritikal na mga tinig at progresibong inisyatiba sa loob ng unibersidad na binabansagan ng AFP na banta sa “pambansang seguridad.”

Ipagtanggol ang UP. Inilunsad ng mga estudyante ng UP-Diliman ang ‘First Day Fight” noong Agosto 20 para kundenahin ang maraming kapalpakan ng administrasyon ng unibersidad. Tinutulan din nila ang pagkaltas ng badyet sa edukasyon at komersyalisasyon ng mga espasyo at serbisyo sa unibersidad. Itinakwil nila ang panghihimasok ng pulis at militar sa mga kampus nito. Isinagawa rin ang katulad na mga protesta sa iba pang kampus ng UP sa Bagiuo, Manila, Laguna, Davao, Cebu at Iloilo nitong nagdaang mga linggo.

"Deklarasyon ng kooperasyon" ng UP at AFP, pagyurak sa akademikong kalayaan