AKP, inilunsad sa gitna ng atake ng AFP
Matagumpay na nagtapos ang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-Mindoro (Lucio De Guzman Command) ng Abanteng Kurso ng Partido sa kabila ng matinding atake ng pasistang AFP. Kalakhan sa mga estudyante ay mula sa hanay ng mga magsasaka at pambansang minorya. Inilunsad ang pag-aaral mula Hulyo 29 hanggang Agosto 10.
Isinagawa ang pag-aaral upang itaas ang pampulitikang kamalayan at higit na mapatibay ang paninindigan ng hukbo ng mamamayan. Isinulong ito sa tulong ng lokal na mga pwersa at masa at mga Pulang mandirigma na nagsilbing sekyuriti at taguyod sa pag-aaral. Ani Ka Jomar, kumander ng yunit, “Naging matagumpay ang pag-aaral dahil sa matalas na pagbasa ng mga kasama sa sitwasyon, katuwang ang masa.”
AKP, inilunsad sa gitna ng atake ng AFP