Protesta kontra base militar ng US sa Pilipinas

,

Nagprotesta sa harap ng US Embassy sa Pasay City ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) noong Setyembre 16 upang kundenahin ang tumitinding presensya ngayon ng mga tropang Amerikano, mga armas pandigma, war games at base militar ng US sa teritoryo ng Pilipinas. Paggunita din ang protesta sa ika-34 na anibersaryo ng makasaysayang pagpapalayas ng mga base militar ng US sa Pilipinas.

Noong Setyembre 16, 1991, higit 170,000 patriyotikong mga Pilipino ang nagtipon sa harap ng Senado, para ipanawagan ang pagbasura sa pagpapalawig ng RP-US Military Bases Agreement. Ayon sa Bayan, kumakaharap ngayon ang bansa sa nakababahalang pagbaligtad sa tagumpay na iyon. Sa sumunod na mga taon at rehimen, binuo ang iba’t ibang kasunduan at ligal na batayan ng muling pagpasok ng tropang militar ng US sa Pilipinas. Kabilang dito ang Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement na naging daan para sa panunumbalik ng mga base militar ng US sa bansa.

Protesta kontra base militar ng US sa Pilipinas