Mga martir ng Peñablanca, ginunita

,

Ginunita ng rebolusyonaryong pwersa noong Setyembre 11 ang unang anibersaryo ng pagkamartir ng mga kasamang sina Ariel Arbitrario (Ka Karl), Erin Sagsagat (Ka Jorly), at Danielle Marie Pelagio (Ka Seed), ang tinaguriang Peñablanca 3. Ang tatlo ay pawang mga hors de combat na karumal-dumal na pinatay ng berdugong 502nd IB sa Barangay Baliuag, Peñablanca, Cagayan.

Bilang pag-alala sa kanilang maningning na buhay, at di matatawarang kabayanihan at ambag sa pambansa-demokratikong rebolusyon, naglunsad ng parangal ang rebolusyonaryong mga pwersa ng Cagayan Valley na may temang, “Pakinangin ang ginintuang kabayanihan ng ating mga martir! Magwasto at ipagpatuloy ang tinahak nilang landas ng rebolusyon!”

Pinakamataas na pagpupugay ang iginawad sa tatlo at inalala ang kanilang buhay at pakikibaka bilang mandirigma ng mamamayan. Nag-alay ng mga tula at kanta ang iba’t ibang mga grupo at indibidwal sa parangal. Ilan sa mga itinanghal ay ang mga tula na Binhi ng Paglaya ni Amanda Echanis, Tagubilin at Habilin ni Jose Lacaba, at Hukbo ng Maralita ni Kerima Tariman. Nagbuo din ng video tribute ang BHB-Cagayan Valley na may pagbigkas ng tulang Silang mga Walang Kamatayan ni Emil Magalat. Nagtapos ang programa sa pagkanta ng Mangahas at ng Awit ng Pag-asa. Tunay na inspirasyon silang mga di pangkaraniwan at ang kanilang di mamamatay na kadakilaan!

Mga martir ng Peñablanca, ginunita