Pagpapaliban ng pagdinig ng kaso ni Duterte sa ICC, ikinadismaya ng mga biktima

,

Lubos na ikinadismaya ng mga biktma at kanilang mga abugado at tagasuporta ang pagpapaliban ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) sa naka-iskedyul na kumpirmasyon ng kasong krimen laban sa sangkatauhan ni Rodrigo Duterte sa Setyembre 23. Kinatigan ng korte ang pahayag ng mga abugado na “wala sa katayuan” o hindi “fit to stand trial” si Duterte. Ayon sa prosekusyon ng ICC, mismong ang mga anak ni Duterte ang nagsasabing nasa wastong pag-iisip ang kanilang ama.

Mula nang ipailalim sa kustodiya ng ICC si Duterte, aktibong nagmamaniobra ang kanyang mga abugado para ibalam at kalauna’y ipabasura ang kaso laban sa kanya. Sunud-sunod ang mga petisyon na inihain nila para iwasan ang kumpirmasyon ng asunto.

Mariing tinututulan ng mga biktima ang mga pakanang ito. Panawagan nila, ituloy ang pagdinig sa pinakamaagang panahon.

Pagpapaliban ng pagdinig ng kaso ni Duterte sa ICC, ikinadismaya ng mga biktima