Makibaka-Central Negros, itinatag
Noong Hunyo 12, itinatag ng kababaihan sa Central Negros ang lokal na balangay ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka). Naisagawa ang pagtitipon sa isang erya sa larangang gerilya sa gitna ng matinding operasyong militar.
Nagpakilala ang tagapagsalita ng Makibaka-Central Negros na si Ka Inday Gemodo, bilang pagparangal at pagpupugay sa Pulang mandirigma ng BHB-Central Negros na si Juliana Arculo Gemodo, 63, na namartir noong Enero. Nag-alay ng 21-gun salute ang BHB para kay Gemodo at iba pang mga martir. Naghandog rin sila ng mga awit at talumpati. Nangako ang kababaihan ng Central Negros na magpupursigi at tatahakin ang landas na binagtas ni Gemodo bilang isang rebolusyonaryo.
Makibaka-Central Negros, itinatag