Welga sa pabrika ng asukal sa US

,

Nakiisa ang mga pambansa-demokratikong grupo ng mga Pilipino sa welga ng mga manggagawa ng C&H Sugar Refinery sa Crockett, Contra Costa County, California.

Ang C&H (California & Hawaii) Sugar ay pagmamay-ari ng American Sugar Refining Group, ang pinakamalaking tagaproseso at tagabenta ng asukal mula sa tubo sa buong mundo, kabilang ang sa Negros Island. Isa ito sa mga korporasyong may monopolyo ng asukal sa US. Kumikita ang kumpanya ng halos $1.6 bilyon mula sa pag-aangkat ng murang di pa naprosesong asukal.

Noong Hunyo 15, nagwelga ang nasa mahigit 100 manggagawa ng C&H Sugar bilang pagkundena sa anti-manggagawang mga plano ng kumpanya. Bahagi sila ng International Longshore & Warehouse Union Local 6.

Welga sa pabrika ng asukal sa US