Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagpapapirma para sa chacha, sinuspinde sa gitna ng mga anomalya
January 31, 2024

Sinuspinde nang walang taning noong Enero 29 ng Commission on Elections ang pangangalap ng pirma para sa isang “people’s initiative” para sa charter change (chacha) o pagbabago sa konstitusyong 1987. Ayon sa komisyon, kailangang balik-aralan muna ang resolusyong namamahala sa gayong inisyatiba. Bago nito, inianunsyo ng Comelec na “tagatanggap” lamang ito ng mga pirma. Ibinalita […]

Tanggalan sa sektor ng teknolohiya, nagpapatuloy sa gitna ng pagsirit ng tubo ng mga kumpanya
January 31, 2024

Tuluy-tuloy ang tanggalan ng mga manggagawa sa industriya ng teknolohiya sa buong mundo nitong taon. Sa unang apat na linggo pa lamang ng 2024, umabot na sa 24,584 manggagawa mula sa 93 kumpanya ang nawalan ng trabaho. Karugtong ito sa paglusaw ng mga kumpanya sa teknolohiya ng 260,000 trabaho noong 2023. Ayon sa mga pagsusuri, […]

Giriang Marcos-Duterte, kinamuhian ng sambayanan
January 30, 2024

Kinamuhian ng malawak na masa ng sambayanan ang lantad na lantad nang girian ng naghaharing mga pangkating Marcos at Duterte. Noong Enero 28, direktang sinumbatan ng mag-amang Rodrigo at Sebastian Duterte si Ferdinand Marcos Jr sa isang rali na isinagawa ng kanilang pamilya sa Davao City laban diumano sa charter change. Sa rali na ito, […]

Presyo ng langis, apat na beses nang tumaas sa 2024
January 30, 2024

Naglunsad ng protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip sa harap ng Shell Gasoline Station sa Caretta, Cebu City ngayong araw, Enero 30, para kundenahin ang muling pagtaas ng presyo ng langis. Itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina nang ₱2.80 kada litro, ₱1.30 kada litro ng diesel at ₱0.45 kada […]

Kita ng US sa mga imperyalistang gera at agresyon, lomobo nang 16% noong 2023
January 30, 2024

Lumobo nang 16% ang supertubo ng industriyang militar ng US noong 2023 dulot ng inilulunsad nitong imperyalistang gera at agresyon, pangunahin sa gerang proxy nito laban sa Russia sa Ukraine. Tumabo ng $238 bilyon ang mga Amerikanong kumpanyang gumagawa ng armas noong nakaraang taon, ayon mismo sa Department of State ng US sa pahayag nito […]

Nagpapatuloy na pag-block ng rehimeng Marcos sa mga progresibong website, binatikos
January 29, 2024

Nagprotesta ang mga progresibong grupo at mga tagapagtanggol sa kalayaan sa pamamahayag sa harap ng upisina ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Quezon City ngayong Enero 29 para batikusin ang nagpapatuloy na pag-“block” o pagharang sa 27 website ng mga alternatibong midya, progresibo at rebolusyonaryong grupo sa bansa. Nagsimula itong i-block noong Hunyo 2022 sa […]

35 berdugong pulis ng India, napaslang sa pag-atake ng PLGA
January 29, 2024

Hindi bababa sa 35 elemento ng Central Armed Police Force (CAPF) ng reaksyunaryong estado ng India ang napaslang sa pag-atake ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) sa kampo nito sa Darmavaram sa erya ng Pamed, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 16. Liban dito, 40 iba pang pulis ang malubhang nasugatan. Ang yunit […]

Mga grupong pambansa-demokratiko, magrarali sa embahada ng US sa anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano
January 29, 2024

Inianunsyo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang plano nitong magsagawa ng isang rali sa embahada ng US sa Maynila sa darating na Pebrero 4 bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano. Ayon sa grupo, ang digmaan ay isang “brutal na gera para sakupin ang Pilipinas sa ngalan ng mga interes ng imperyalistang US.” Tinatayang […]

Mamamahayag na bilanggong pulitikal sa Tacloban City, binisita ng UN Special Rapporteur
January 28, 2024

Nagpasalamat ang mga grupo ng mamamahayag at alternatibong midya sa pagbisita ni Irene Khan, United Nations Special Rapporteur on Free Expression and Opinion, sa nakakulong na mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio, at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na sina Marielle Domequil at Alexander Abinguna sa Tacloban City Jail noong Enero 27. Ang tatlo ay nakakulong […]

Unyon ng manggagawa sa Nexperia, makikipagnegosasyon para sa CBA
January 28, 2024

Nagsimula na ang panibagong negosasyon ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union (NPIWU) at pamunuan ng Nexperia Philippines para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) para sa 2024 hanggang 2026. Inianunsyo ito ng unyon noong Enero 25. Magaganap ang panibagong negosasyon kasunod ng tanggalan sa mga manggagawa at ilang upisyal ng unyon noong Setyembre 2023. Dumalo sa […]