Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kaso para bawiin ang ₱1.05 bilyong nakaw na yaman ni Marcos Sr, ibinasura ng Korte Suprema
July 20, 2023

Inilabas ng Korte Suprema noong Hulyo 19 ang pinal na desisyon kaugnay sa pagbabasura sa kaso laban sa ₱1.05 bilyong nakaw na yaman ng pamilya Marcos at mga kroni nito. Sa desisyong nabuo noon pang Marso 29, sinabi ng korte na “walang sapat na ebidensya” ang estado ng Pilipinas na sabihing ninakaw ang mga ito. […]

ICC, ibinasura ang apela ng rehimeng Marcos kaugnay ng imbestigasyon sa "gera kontra-droga"
July 19, 2023

Ibinasura kahapon, Hulyo 18, ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng rehimeng Marcos at ilang mambabatas na itigil ang isinasagawa nitong imbistigasyon sa bansa kaugnay ng pamamaslang sa ilalim ng gera kontra droga o Oplang Tohang na ipinatupad ng rehimeng Rodrigo Duterte. Tatlo sa limang huwes na sina Judge Solomy Balungi Bossa ng Uganda, […]

Militarisadong komunidad sa Kalinga, hinatiran ng tulong ng mga grupo
July 19, 2023

Naghatid ng tulong ang iba’t ibang mga grupo sa militarisadong bayan ng Balbalan, Kalinga noong Hulyo 9 at Hulyo 10. Inilunsad ito para suportahan ang komunidad na simula pa Marso ay kumakaharap na sa matinding militarisasyon dahil sa mga operasyong kontra-insurhensyang ng 5th ID sa lugar. Ang paghahatid ng tulong ay isinagawa ng Serve the […]

Walang-awat na aerial bombing sa kanayunan, binatikos ng mga grupo
July 19, 2023

Inirehistro ng mga grupo sa karapatang-tao sa pangunguna ng Karapatan ang kanilang pagtutol sa inilulunsad na kampanyang aerial bombing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa maraming panig ng bansa sa ngalan ng kampanyang kontra-insurhensya. Nagprotesta sila sa hedkwarters ng AFP sa Quezon City noong Hulyo 17 kaugnay nito. Ayon sa mga nagprotesta, ang […]

Marcos, inulan ng batikos sa tusong pagpirma sa Maharlika Bill
July 19, 2023

Tusong pinirmahan ni Ferdinand Marcos Jr kahapon, Hulyo 18, ang batas na nagtatatag sa Maharlika Investment Fund. Walang isinapublikong kopya ang Malacañang sa pinal na bersyon ng panukala, na ilang linggo pang “inayos” matapos ipinasa ito sa Senado at Kongreso. Ibig sabihin, inilingid sa publiko at maging ng mga kongresista kung ano ang nilaman ng […]

Manggagawang pangkalusugan ng RITM, nagprotesta
July 18, 2023

Naglunsad ngayong araw ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para igiit ang dagdag-sahod at pagbibigay ng mga naantalang alawans at para ipahayag ang pagtutol sa planong pag-abolish sa RITM ng rehimeng Marcos Jr. Anila, magdudulot ng malawakang tanggalan ang planong pag-abolish sa RITM para bigyang daan ang pagtatayo […]

Limang magsasaka, binugbog ng 62nd IB sa Canlaon City
July 18, 2023

Magkakasunod na kaso ng pambubugbog ang naitala sa Barangay Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental noong Hulyo 6. Limang magsasaka na pinag-initan at pinagbibintangan ng 62nd IB na may kaugnayan sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang arbitraryong ininteroga at binugbog. Unang binugbog ng mga sundalo ang 40 anyos na si Edward Sandot sa Sityo Uyangan bandang […]

US, nanunulsol ng gerang nukleyar sa Korea
July 18, 2023

Isang hakbang tungo sa gerang nukleyar ang sadyang ginawa ng US nang ipalayag nito sa karagatan ng Korea ang isang submarinong nagdadala ng mga armas nukleyar nitong Hulyo 18. Ibinalita sa iba’t ibang pahayagan ang kauna-unahang pagdaong ng naturang submarino sa Busan, South Korea sa loob ng apat na dekada. Huling nagpadala ng gayong submarino […]

Tatlong mamamahayag, dinahas ng pulis habang nag-uulat
July 16, 2023

Iniulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang naganap na panghaharas ng mga pulis sa tatlong mamamahayag sa Barangay Jones, Pastrana, Leyte noong Hulyo 14. Ang mga mamamahayag na sina Lito Bagunas, Noel Sianosa at Ted Tomas ay nag-uulat kaugnay sa isang kaso ng pangangamkam ng lupa sa naturang lugar nang palayasin […]

Manggagawang pangkalusugan at kabataang boluntir, inaresto ng 85th IB sa Quezon
July 16, 2023

Dalawang aktibista ang inaresto 85th IB sa gawa-gawang kaso noong Hulyo 12 habang nagsasagawa ng pagsisiyasat sa komunidad sa Atimonan, Quezon. Inaresto sina Miguela Peniero, isang magsasaka at manggagawang pangkalusugan, at kabataang boluntir na si Rowena Dasig sa Purok Banaba, Barangay Caridad Ibaba sa kasong illegal possession of firearms and explosives, karaniwang ginagamit laban sa […]