Archive of AB Dailies

Planong pagbisita ng US Defense Secretary sa Pilipinas, tinuligsa
January 30, 2023

Tinuligsa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang nalalapit na planong pagbisita ni US Secretary of Defense Llyod Austin III sa Pilipinas at ang nakatakdang pakikipagpulong ng upisyal ng imperyalistang bayan sa mga upisyal sa depensa ng Pilipinas. Ayon sa US Department of Defense, bibisita si Austin para “isulong ang panrehiyong istabilidad at ibayong palakasin ang […]

Retiradong konsultant ng NDFP, asawa, at isa pa, iligal na inaresto sa GenSan
January 30, 2023

Iligal na inaresto ng mga sundalo at pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa usapang pangkapayapaan na si Ruben Saluta, 75, at kanyang asawa at kapwa rebolusyonaryong si Presentacion Cordon Saluta, 63, at isang pinangalanang Yvonne Losaria sa kanilang tinutuluyang bahay sa […]

Labis-labis na ang paglilibre ng ligal na tulong sa mga sundalo at pulis
January 29, 2023

Tinawag ni Hose Deputy Minority Leader at ACT Rep. Frances Castro na kalabisan ang pagkapasa ng House Bill 6509 o ang Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel sa Kongreso noong Enero 22. Ang panukalang ito ay magbibigay ng libreng ligal na representasyon para labanan ng mga sundalo, pulis at iba pang armadong pwersa […]

Pagkamatay ng 23 Moro sa Mamamasapano, dapat ring alalahanin
January 29, 2023

Hindi lamang ang 44 na kumando ng Special Action Force (SAF) na namatay sa palpak na operasyon sa Mamasapano ang dapat alalahanin kundi pati ang 23 Moro na namatay sa noong araw na iyon. Ito ang pahayag ni Drieza Lininding ng grupong Moro Consensus Group sa kanyang post noong Enero 25. Aniya, malaki ang disgusto […]

Karapatan ng mga manggagawa sa impormal na sektor, iginiit sa ILO HLTM
January 28, 2023

Bahagi sa mga nagsumite ng kanilang mga hinaing sa kagaganap lamang na High-Level Tripartite Mission ng International Labor Organization ang mga manggagawa sa ilalim ng grupong Kadamay at Piston. Ipinanawagan nila ang paggalang sa kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa, na katulad sa ibang sektor ay niyuyurakan ng mga pwersa ng estado. Naghapag ng mga […]

Mga akawnt ng progresibong organisasyon na tinanggal ng Facebook, nakabalik na
January 28, 2023

Matapos igiit ng mga progresibo at demokratikong organisasyong kabilang ang Bagong Alansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakabayan, ibinalik na ng Facebook ang tinanggal nitong mga page ng naturang mga grupo. Inianunsyo kahapon ng Bayan ang pagbabalik sa kanilang mga Facebook page. Walang paliwanag na sinensor ng Facebook ang tatlong page at marami […]

Mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio, iba pa, dapat palayain
January 28, 2023

Nagprotesta ang mga mamamahayag mula sa Altermidya Network, National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), at College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Department of Justice sa Manila noong Enero 23 para igiit ang kagyat na pagpapalaya kay Frenchie Mae Cumpio at iba pang kabilang sa tinaguriang ‘Tacloban 5’. Kasabay ito ng unang […]

Paglago ng GDP, “malayo sa sikmura”
January 27, 2023

Hindi ramdam ng mamamayan, laluna ng mahihirap, ang ipinagmamalaki ni Ferdinand Marcos Jr na 7.6% na diumano’y paglago noong 2022 ng gross domestic product (GDP o lokal na produksyon) ng Pilipinas. Ayon sa grupong Kadamay, “malayo sa sikmura” ng maralitang Pilipino ang ipinagdiriwang na “pag-unlad” ni Marcos Jr. “Wag nating kalimutang ayon mismo sa mga […]

2 upisyal, 4 na sundalo, sangkot sa pagpatay sa isang babaeng negosyante
January 26, 2023

Pinangalanan na bilang utak ng pagpatay sa isang babaeng negosyante si Brig. Gen. Jesus Durante III, kumander ng 1001st IBde at dating hepe ng Presidential Security Group noong presidente pa si Rodrigo Duterte. Liban sa kanya, limang sundalo pa ang itinurong sangkot sa pagpatay. Ang pagpangalan sa anim na sundalo ay resulta ng imbestigasyon ng […]

Paggawad ng pagkilala ng UP kay Mark Villar, binatikos ng mga estudyante
January 26, 2023

Binatikos ng mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) ang inianunsyo ng administrasyon ng pamantasan na gagawaran ng “honoris causa” si Sen. Mark Villar bukas, Enero 27, sa UP Diliman College of Law. Ipagkakaloob ng UP ang degree na Doctor of Laws kay Villar dahil umano sa kanyang mga “ambag at kontribusyon” sa unibersidad. […]