Archive of AB Dailies

Magrebolusyon sa lahat ng panig ng mundo, panawagan ng Komite Sentral ng PKP
January 19, 2023

Ang pinakakagyat na tungkulin sa ngayon ng mga partido at organisasyong komunista sa buong mundo ay ang paglalapat ng unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo sa kani-kanilang bansa, upang suriin ang mga uri at tukuyin ang mga estratehiya at taktika para pamunuan ang proletaryado at lahat ng inaapi at pinagsasamantalahang mga uri sa paglulunsad ng bagong […]

17 pulis na sangkot sa 'Bloody Sunday Massacre', inabswelto ng DOJ
January 19, 2023

Kinundena ng iba’t ibang demokratikong organisasyon ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na isaisantabi at ibasura ang mga kasong pagpatay na isinampa laban sa 17 upisyal ng pulis na sangkot sa pagpaslang sa lider-manggagawang si Manny Asuncion. Martes ng gabi nang isapubliko ng DOJ ang resolusyon na inaabswelto ang mga pulis dahil sa diumano’y […]

Aerial bombing sa komunidad ng mga katutubo sa India, kinundena ng CPI (Maoist)
January 19, 2023

Kinundena ng Communist Party of India (Maoist) ang brutal at desperadong pambobomba ng mga armadong pwersa ng gubyerno ng India sa hindi bababa sa siyam na komunidad sa bahaging South Bastar sa hangganan ng Chhattisgarh-Telangana noong Enero 11 ng umaga. Anang grupo, nagsimula sa alas-11 ng umaga ang walang-awat na paghuhulog ng mga bomba sa […]

Pagkawawa sa mga Pilipinong nars: 12-oras na paggawa, barat na sahod
January 18, 2023

Umaabot sa 12 oras ang karaniwang duty o araw ng pagtatrabaho ng mga nars De La Salle University (DLSU) Medical Center, ang pinakamalaking pribadong ospital sa Cavite. Ayon kay Vilma Garcia, tagapangulo ng unyon ng mga empleyado ng ospital, ito ay dahil kulang na kulang ang iniempleyo ng kapitalistang may-ari na mga nars para mag-asikaso […]

Mga magsasaka sa Isabela, pinagbabaril ng armadong maton ng Golden Summit Mining Corp.
January 18, 2023

Pinaputukan ng mga armadong maton ng Golden Summit Mining Corp. (GSMC) ang mga magsasakang nagtatanim ng gulay sa gilid ng Bundok Tappaw sa Anonang, Cordon, Isabela noong Enero 11. Pangatlong kaso na ito ng pandarahas sa kanila. Ang GSMC ay isang kumpanyang mina na umagaw sa 100-ektaryang lupa sa Bundok Tappaw sa ilalim ng di […]

Mga Tumandok, pinalalayas ng AFP
January 17, 2023

Nagpahayag ng labis na alarma noong Enero 15 ang grupong Kalikasan PNE matapos mabalita na muli na namang inooperasyon ng mga sundalo at pulis ang mga komunidad ng Tumandok sa Capiz. Napag-alaman ng grupo ng muling namayagpag ang 300 armadong tropa sa lugar at nagdulot ito ng malawakang takot sa mga Tumandok. Ayon sa ulat […]

Yaman ng 9 na bilyunaryong Pilipino, mas malaki sa pinagsamang pag-aari ng 55 milyong Pilipino
January 17, 2023

Inilabas ng Oxfam Pilipinas noong Enero 16 ang datos ang napakalaking pagkakaiba sa laki ng yaman ng iilan kumpara sa mayorya ng mamamayang Pilipino. Ayon sa pag-aaral, mas malaki pa ang halaga ng yaman ng siyam na bilyunaryo kaysa yamang hawak ng 55 milyong mga Pilipino o kalahati ng populasyon ng bansa. Kabilang sa mga […]

Krisis sa empleyo, lalala sa pagtindi ng krisis sa kapitalismo
January 17, 2023

Mas marami pang manggagawa ang matutulak sa mga trabahong mababa ang kalidad at barat ang sahod sa 2023, ayon sa International Labor Organization sa ulat nito na pinamagatang World Employment and Social Outlook. Ito ay habang muling pumapasok, kundiman pumasok na, sa resesyon ang pinakamalalaking ekonomya sa mundo. Kasabay ng krisis sa trabaho ang tumataas […]

Dinukot na mga aktibista sa Cebu, inilitaw na
January 17, 2023

Nakabalik na kahapon sa piling ng pamilya at mga kaibigan ang dalawang aktibistang sina Dyan Gumanao at Armand Dayoha matapos ang anim na araw na pagkukulong sa kanila ng armadong pwersa ng estado na dumukot sa kanila noong Enero 10. Si Gumanao, koordineytor ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) para sa Rehiyon 7, at Dayoha […]

Mga estudyante, magulang, at guro, inetsapwera ng DepEd sa pagrebyu ng K-12
January 16, 2023

Umalma ang Kabataan Partylist sa anunsyo ng Department of Education (DepEd) na ilalabas na ito ang ulat kaugnay ng isinasagawa nitong pagrerebyu sa programang K-12 sa darating na Enero 30. Anang grupo, hindi “inclusive” at hindi batay sa syensya ang proseso ng pagrerebyu ng DepEd sa K-12 dahil hindi nagsagawa ng malawakang konsultasyon ang ahensya […]