Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pandaigdigang pagdiriwang sa ginintuang anibersaryo ng NDFP, binabalak
March 11, 2023

Nanawagan noong Marso 6 ang Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) na maglunsad ng isang pandaigdigang koordinadong kampanya para itampok ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ang pagtataguyod nito sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino kaugnay ng nalalapit nitong ginintuang anibersaryo sa Abril 24. Ayon sa FFPS, nais nitong patampukin ang […]

Unyon sa Ateneo de Manila University, bumoto pabor sa pagwewelga
March 11, 2023

Kasado na ang Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) para sa isang welga matapos bumoto pabor sa welga ang mga manggagawa at empleyado ng Ateneo de Manila University noong Marso 10. Naitala ng unyon ang botong 201 na ‘Oo’ habang 4 ang botong ‘Hindi.’ Ang pagboto para sa welga ay isinagawa matapos humantong sa dalawang […]

Gubyerno ng Pilipinas, pinuna sa hindi pagtugon sa kagalingan ng mga 'comfort women'
March 11, 2023

Pinuna ng United Nations (UN) Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) ang gubyerno ng Pilipinas sa kabiguan nitong bigyan ng hustisya at tulungan ang mga ‘comfort women’ na biktima ng panggagahasa ng mga sundalong Japanese noong sinakop nila ang Pilipinas. Ang pahayag ng UN-CEDAW ay inilabas noong Marso 8. Ayon sa naturang komite, […]

Kasunduan para sa operasyon ng Binga Dam sa Benguet, tinutulan
March 10, 2023

Tutol ang mga nakatatanda o elder ng Bokod, Benguet sa alok ng SN Aboitiz Power (SNAP) na kumpensasyon para ipagpatuloy ang operasyon ng Binga dam sa kanilang lupang ninuno. Inilinaw nila ang kanilang paninindigan matapos pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) ang mga kinatawan ng Itogon at SNAP-Benguet noong Pebrero 28. Ayon sa ulat ng […]

Sigaw sa Araw ng Kababaihan: Trabaho, dagdag-sahod at mga karapatan
March 10, 2023

Sa Araw ng Kababaihang Anakpawis noong Marso 8, nagmartsa sa iba’t ibang syudad ang libu-libong kababaihan, kasama ang ibang demokratikong sektor. Panawagan nila ang dagdag-sahod at pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin, kasama ang iba pang mga kagyat na usaping panglipunan tulad ng reporma sa lupa. Sa Metro Manila, nagdaos ng programa ang kababaihan […]

Suportang pangkabuhayan, iginigiit para sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro
March 09, 2023

Nanawagan ang grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na papanagutin ang kapitalistang may-ari ng MT Princess Empress sa pinsala sa karagatan bunga ng paglubog nito sa dagat at pagtapon ng karga nitong langis. Naganap ang trahedya ng oil spill noong Pebrero 28 nang nalubog sa dagat na sakop ng […]

Operasyong Dikit-Pinta ng KM sa Agusan del Sur, inilunsad
March 09, 2023

Pangkat-pangkat ng Kabataang Makabayan (KM) sa Agusan del Sur ang nagpinta ng mga panawagan nitong nagdaang mga araw sa iba’t ibang lugar sa bayan ng San Francisco. Namula ang mga dingding at kalsada ng mga katagang “NPA 54”, “Viva CPP-NPA-NDF” at “Sampa sa NPA.” Puno ng sigasig ang mga kabataan naglunsad ng “operasyon pinta.” Ayon […]

Hustisya, giit sa ika-2 anibersaryo ng 'Bloody Sunday Massacre'
March 09, 2023

Nagprotesta ang mga kaanak ng mga biktima ng Bloody Sunday Massacre at mga demokratikong organisasyon sa upisina ng Department of Justice (DOJ) sa Manila City noong Marso 7. Iginiit nila ang hustisya at pagpapanagot sa mga pulis na sangkot sa mga pagpatay. Pinangunahan ang pagkilos ng grupong Defend Southern Tagalog. Matapos nito, nagkaraban at nagprotesta […]

Tagumpay ang tigil-pasada, deklarasyon ng mga drayber ng jeep
March 08, 2023

Dulot ng malawakang epekto at pagkaparalisa ng mga ruta sa Metro Manila bunsod ng inilunsad ng tigil-pasada ng mga pampublikong transportasyon, natulak ang Malacañang na makipag-usap sa grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at Manibela kahapon. Iniulat ito ng tagapangulo ng Piston na si Mody Floranda ngayong araw. Naganap ang […]

Magkasunod na operasyong harasmment, inilunasd ng BHB-West Camarines Sur
March 07, 2023

Kambal na operasyong harasment ang inilunsd ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-West Camarines Sur noong Pebrero 28. Pinatamaan nito ang dalawang detatsment ng militar sa bayan ng Ragay, Camarines Sur. Unang pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment sa Barangay Baya bandang alas-12:30 ng hapon. Sindunang ito ng pag-atake sa detatsment sa Barangay […]