Archive of AB Dailies

Mga katutubo nagprotesta sa ika-25 taon ng IPRA
October 29, 2022

Nagrali ang iba’t ibang grupo ng pambansang minorya at kanilang mga tagasuporta sa tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Quezon City kahapon kasabay ng ika-25 taon ng pagsasabatas ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA). Lumahok sa protesta ang Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (Katribu), Sandugo – Movement of Moro and Indigenous […]

Grupo ng mga pambansang minorya, binatikos ang kasinungalingan ng ahente ng NTF-Elcac
October 28, 2022

Binatikos ng National Council of Leaders ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayan sa Pilipinas (Katribu) ang mga pahayag ni Jomorito Guaynon na nagpapakalat ng kasinungalingan at paninira sa mga katutubong organisasyong kumakatawan sa kanilang pakikibaka para sa lupang ninuno at sariling pagpapasya. Ginagamit ng National Task Force-Elcac si Guaynon, na dating upisyal ng Katribu, para malisyosong […]

Unang asembleya ng progresibong samahan ng mga marino, inilunsad
October 27, 2022

Nagtipon ang mga kasapi ng Concerned Seafarers of the Philippines (CSP) para sa unang asembleya nito noong Oktubre 24 sa UCCP Cosmopolitan Church sa Taft Avenue, Manila para pagtibayin ang pagkakaisa ng kanilang sektor para sa sahod, trabaho, kalusugan at karapatan. Ang CSP ay isang samahan na ipinagtatanggol ang karapatan ng mga marino at kanilang […]

Dagdag-singil sa serbisyo sa mga konsulado ng Pilipinas sa Eurozone, binatikos
October 27, 2022

Dismayado ang grupong Migrante Europe sa anunsyo ng gubyerno ng Pilipinas na itataas nito ang singil sa mga serbisyong ibinibigay ng mga embahada at konsulado nito sa mga migranteng Pilipino sa mga bansa sa Europe o Eurozone. Magsisimulang ipatupad ang taas-singil sa darating na Nobyembre. Ayon sa anunsyo, itataas ang singil sa mga serbisyo dahil […]

Mga magsasaka sa Tarlac, inaagawan ng lupa ng mga Lorenzo
October 27, 2022

Aabot sa 96 na magsasaka ang hinarang at pilit itinaboy noong umaga ng Lunes, Oktubre 24, ng mga armadong maton ng St. Tropez Holdings Corporation, mula sa kanilang 154-ektaryang lupa sa Brgy. Balingcanaway, Tarlac City. Ayon sa ulat ng Pokus Gitnang Luson Multimedia Network, ang naturang mga magsasaka ay kabilang sa Aniban ng Magsasaka Farmers […]

Protesta, sining at pagkakaisa sa Buwan ng Magsasaka
October 27, 2022

Ang kamakailang taunang paggunita sa Buwan ng Magsasaka ay kinatampukan ng mga pagkilos noong Oktubre 14, 16 at 21 sa pambansang kabisera. Matapos ang Oktubre 21, tuluy-tuloy ang mga aktibidad para ipaglaban ang karapatan sa lupa, seguridad sa pagkain, mga karapatang-tao ng kababaihang magsasaka at iba pa. Kongreso ng HUMABOL. Sa Bohol, ipinagdiwang ng Hugpong […]

Laban para sa pagkontrol ng presyo ng baboy sa Sorsogon, may inisyal na tagumpay
October 27, 2022

Nagkamit ng panimulang tagumpay ang mga lokal na magbababoy sa Sorsogon sa kanilang kahilingan na itaas ang presyo ng baboy sa kanilang munisipalidad. Ang kahilingang ito ay itinulak ng Rice, Vegetable and Livestock Farmers Organization of Irosin (RVLFOI) sa harap ng malawakang pagkalugi bunga ng nagtataasang presyo ng pakain. Nitong Oktubre 18, inaprubahan ng Sangguniang […]

NPA-Southwest Negros attacks Ilog military detachment
October 26, 2022

A unit of the New People’s Army (NPA)-Southwest Negros mounted a harassment operation against a military detachment in Pinggot, Ilog on October 20, 7p.m. According to the unit, it was launched in response to the military’s fascist attacks and abuse of the peasant masses in Ilog and neighboring towns. These military abuses include the 47th […]

Pagtatanggal sa PKP, BHB at NDFP sa mga listahan ng "teroristang organisasyon", itinutulak
October 26, 2022

Suportado ng International League of Peoples’ Struggles ang mga pagsisikap na ipatanggal ang Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at National Democratic Front of the Philippines, gayundin, ang mga rebolusyonaryo at mapagpalayang kilusan sa Turkey, Palestine, Kurdistan at Manipur, sa mga listahan ng “teroristang organisasyon” ng US at iba’t ibang bansa. Ipinasa ng International […]

Manggagawa ng TS Tech Trim Philippines, giit ang regularisasyon
October 26, 2022

Nagprotesta sa pambansang upisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Manila ang mga manggagawang kontraktwal ng TS Tech Trim Philippines-Laguna noong Oktubre 25. Giit nila sa DOLE na ibaba na ng ahensya ang desisyong regularisasyon nilang mga manggagawa sa naturang kumpanya. Ang TS Tech Trim Philippines ay nagmamanupaktura ng mga upuan para […]