Archive of AB Dailies

NPA-Agusan del Sur, matagumpay na kinontra ang atake ng AFP
September 18, 2022

Ginulantang ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur ang umaatakeng pwersa ng pinagkumbinang tropa ng 26th IB, 41st DRC at Special Forces sa mabundok na bahagi ng Barangay Moretola, San Luis, Agusan del Sur noong Setyembre 14. Isa ang napaslang at tatlo ang nasugatan sa mga pasistang sundalo. Tatlong araw nang […]

5 tagapagtanggol ng karapatang-tao, ipinawalang-sala sa gawa-gawang kaso
September 17, 2022

NOT GUILTY’ o walang sala ang hatol ng 8th Municipal Circuit Trial Court sa Galimuyod, Ilocos Sur sa desisyon kahapon laban sa limang kababaihang tagapagtaguyod ng karapatang-tao. Isinampa ang mga kasong bigong homicide ng 81st IB noong Enero 26, 2018 laban kina Sarah Abellon-Alikes, Sherry Mae Soledad, Joanne Villanueva, Rachel Mariano at Asia Isabella Gepte. […]

Kampanya para sa pagpaplaya ng kababaihang bilanggong pulitikal, muling inilunsad
September 17, 2022

Muling inlunsad ng mga grupong kababaihan na Gabriela, Gabriela Youth at Gabriela Women’s Party ang kampanyang ‘Free Our Sisters, Free Ourselves’ kahapon para igiit ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng mga kababaihang bilanggong pulitikal. Kabilang sa mga iginiit na kaagad palayain ay sina Adora Faye de Vera, Atheliana Hijos, Tes Pielago na pawang may […]

Pagdukot ng estado kay James Balao, ginunita
September 17, 2022

Ginunita ng mga aktibista noong Setyembre 16 sa Sunshine Park, Baguio City ang ika-14 taong pagdukot kay James Balao, isang aktibista at tagapagtaguyod ng karapatan ng katutubo. Nagsindi sila ng kandila at inalala ang buhay ni Balao, kasabay ang panawagan na ilitaw ang lahat ng desaparesido. Dinukot si Balao ng mga armadong kalalakihang nagpakilalang mga […]

Alyansa kontra reklamasyon sa Bacolod city, inilunsad
September 16, 2022

Mahigit 80 purok, lider komunidad, taong simbahan at tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang nagkaisa upang ilunsad ang Banago Against Reclamation Movement noong Setyembre 10 sa Nuestra Señora de Salvacion Parish sa Barangay Banago, Bacolod City. Ayon sa planong reklamasyon sa Barangay Banago, 274 ektarya ang sasaklawin ng Bacolod Reclamation Gateway Corporation na pagmamay-ari ng konsehal ng […]

Proyektong dam sumisira ng pagkakaisa at kalikasan
September 16, 2022

Naglunsad ng dayalogo ang mga upisyal ng National Commission of Indigenous Peoples at mga katutubong Isnag sa Quezon City noong Setyembre 13 upang pag-usapan ang mga hinaing ng katutubo laban sa nakaambang konstruksyon ng Gened 2 sa Apayao-Abulog River. Inalmahan ng mga Isnag ang pagratsada ng NCIP sa pagproseso ng free, prior and informed consent […]

Presyo ng palay, sumadsad sa ₱13
September 15, 2022

Dumadaing ang masang magsasaka sa harap ng pagsadsad ng presyo ng pagbili ng palay ngayon pa namang nagsimula na ang anihan. Sa Nueva Ecija, isa sa pinakamalaking palayan sa bansa, nasa ₱13 kada kilo ang presyo ng palay. Ito ang ibinunyag ng grupong kababaihang magsasaka na Amihan. Sa Cagayan, umaabot lamang sa ₱15 kada kilo […]

Anang mga magsasaka, di kailangan ang imported na asukal
September 15, 2022

Hindi napapanahon ang pag-angkat ng asukal, dahil nagsimula na ang milling season o paggiling ng lokal na tubo. Ito ang reaksyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa inilabas kahapon na kautusang pirmado ni Ferdinand Marcos Jr na mag-angkat ng karagdagang 150,000 metriko tonelada sa mga susunod na linggo. “Hindi kailangang mag-angkat na 150,000 MT ng […]

Dinakip na rebolusyonaryo, inilitaw na
September 15, 2022

Pitong araw matapos dukutin at lihim na ibimbin si Raquel Dahoyla Santillano, napilitan ang 4th ID na ilitaw ang rebolusyonaryo noong Setyembre 11. Nagpasalamat ang kamag-anak at kaibigan ni Raquel Dahoyla Santillano sa lahat ng mga tumulong para maigiit ang paglilitaw sa kanya ng militar. Pinalabas ng militar na “sumurender” siya kasama ang siyam na […]

Ika-18 anibersaryo ng CPI-Maoist, ipagdiriwang
September 15, 2022

Nanawagan ang Komite Sentral ng Communist Party of India (CPI-Maoist) sa People’s Liberation Guerilla Army, mga organong pampulikita ng mamamayan at lahat ng rebolusyonaryong mamamayan na ipagdiwang ang ika-18 anibersaryo ng Partido sa kanayunan at kalunsuran mula Setyembre 21-27 ngayong taon. Ang CPI (Maoist) ay itinatag noong Setyembre 21, 2004 matapos magsanib ang Communist Party […]