Archive of AB Dailies

Mga manggagawa sa SoKor, nagprotesta laban sa US
August 19, 2022

Libu-libong manggagawa ng South Korea at kanilang mga tagasuporta ang nagmartsa sa mga kalsada ng Seoul noong Agosto 13 upang iprotesta ang pagsasanay militar sa pagitan ng US at South Korea. Gaganapin ang naturang aktibidad sa Agosto 22 hanggang Setyembre 1, na ayon sa pahayag ng US ay siyang pinakamalaki sa nagdaang ilang taon. Isinigaw […]

Mga estudyante sa Panay, ayaw sa isang gurong Marcos
August 19, 2022

Huwag gawing guro sa pag-aabugado ang may mahabang rekord ng paglabag sa batas. Sa ganito maikukumpara ang buod ng protesta ng mga estudyante ng West Visayas State Univeristy (WVSU) sa Iloilo City sa pag-empleyo ng unibersidad kay Louise “Liza” Araneta-Marcos, asawa ni Ferdinand Marcos Jr, bilang guro sa College of Law. Si Araneta-Marcos, isang abugado, […]

Internasyunal na suporta, hiningi para sa mga tinutugis sa Pilipinas
August 18, 2022

Nanawagan ngayong araw ang International League of Peoples Struggles (ILPS), sa lahat ng kasapian at kasaping organisasyon nito sa buong mundo na suportahan ang mga madre, misyunero sa kanayunan, abugado, at iba pang personahe na kasalukuyang tinutugis sa ilalim ng Anti-Terrorism Law (ATL) ng Pilipinas. Ang panawagan ay kaugnay sa pagsasakdal sa 16 na indibidwal, […]

Sa ika-4 na taon: Hustisya, patuloy na sigaw para sa Antique 7
August 17, 2022

Ginunita ng mga kaanak, pamilya at kaibigan ng Antique 7 ang ika-4 na taong anibersaryo ng kanilang pagkamatay noong Agosto 15. “Muli namin silang inaalala, ipinagdadalamhati at ipinagdadasal. Muli kaming sumisigaw ng hustisya,” saad nila. Ang Antique 7 ang pagkakakilala sa pitong myembro ng National Democratic Front-Panay na pinagbabaril at pinaslang ng mga sundalo at […]

Pag-unblock sa website ng Bulatlat, ipinag-utos ng korte
August 17, 2022

Inilabas ng lokal na korte sa Quezon City ang isang atas kahapon, Agosto 16, na nag-uutos sa National Telecommunications Commission (NTC) na pansamantalang i-unblock ang website ng Bulatlat matapos ang higit dalawang buwan nitong pagkaka-block. Sang-ayon ito sa isinampang ‘writ of preliminary injunction’ ng Bulatlat sa naturang korte. Ang atas ay inilabas matapos magbayad ng […]

Pagpapangalan ng isang unibersidad kay Marcos Sr, binatikos
August 17, 2022

Tinutulan ng mga biktima ng batas militar at kabataan ang planong pagpapalit-pangalan ng isang state university sa Batac, Ilocos Norte tungong Ferdinand E. Marcos State University. Isinusulong ang pagpapalit-pangalan sa House of Representatives at naipasa sa antas-komite noong Agosto 16. “Ito ay walang-hiyang tangka na pabanguhin ang sirang pangalan ng diktador na si Ferdinand E. […]

Pagdawit sa mga madre sa “terorismo,” binatikos
August 17, 2022

Kabi-kabilang batikos ang sumalubong sa pagsasakdal sa 16 na indibidwal, kabilang ang apat na madre ng Rural Missionaries of the Philippines, sa kasong “pagpopondo sa terorismo.” Isinapubliko kahapon ng Department of Justice ang kaso kasabay ng pagsasampa nito sa Iligan City Regional Trial Court. Inaakusahan ang mga madre at iba pa na lumabag sa seksyon […]

Pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal ng India, ikinakampanya
August 17, 2022

Nanawagan ang International Committee to Support the People’s War in India (ICSPWCI), komiteng sumusuporta sa Communist Party of India (Maoist) at kanilang mga pakikibaka, sa lahat ng demokratikong organisasyon at kilusan na suportahan ang Pandaigdigang Linggo ng Pagkilos sa darating na Setyembre 13 hanggang 19. Panawagan nito ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa India. […]

Mga Sorsoganon, di nalilinlang ng hungkag at pakitang-taong programa ng AFP
August 17, 2022

“Paulit-ulit, nakapapagod at nakasusuya” ang tingin ng mga residente ng mga lugar na pinagdausan ngayong taon ng “Serbisyo Caravan,” isang hungkag at pakitang-taong programa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), katuwang ang lokal na gubyerno ng Sorsogon. Ang programa na ito ay isinasagawa bilang bahagi ng Retooled Community Support […]

Bagsak na edukasyon sa Pilipinas, isa sa pinakamalala sa buong mundo
August 17, 2022

Sadsad sa mga pamantayan ng pagkatuto ang katayuan ng batayang edukasyon sa Pilipinas ngayon. Pinalala ng maling patakaran ng absoluto at matagal na pagpapasara sa mga eskwelahan sa panahon ng pandemya ang dati nang mga masidhing krisis sa sistema sa edukasyon. Sa pinag-isang ulat na inilabas noong Hunyo ng iba’t ibang internasyunal na ahensya na […]