Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pekeng engkwentro, ginagamit para patindihin ang operasyong militar sa Himamaylan
October 14, 2022

Pinalalabas ng mga sundalo ng 94th IB na may naganap na isang engkwentro sa Purok Maliko-liko, Sityo Cunalom, Barangay Carabalan, Himamaylan City noong Oktubre 12. Ang totoo, pinaulanan ng bala ng mga sundalo ang 15 kabahayan ng mga katutubong Ituman-Maghat-Bukidnon sa lugar. Agad na pinasinungalingan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Mt. Cansermon Command) […]

Tropa ng 62nd IB, patay sa operasyong isnayping
October 14, 2022

Isang sundalo ng 62nd IB ang napatay noong Oktubre 12 sa isang operasyong pag-isnayp ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command (LPC-BHB)-Central Negros. Isinagawa ang aksyong militar na ito bandang alas 3:40 ng hapon sa Sityo Mapun-as, Barangay Guba, bayan ng Vallehermoso, Negros Oriental. Ang pinatamaang yunit ay kabilang […]

#ZeroEvictions: Grupong kontra demolisyon, nagprotesta sa National Housing Authority
October 12, 2022

Nagpiket ngayong araw sa harap ng National Housing Authority sa Quezon City ang mga maralitang tagalunsod para batikusin ang demolisyon ng kanilang mga komunidad. Bahagi ang protesta sa paggunita sa World Homeless Day na nakatakda kada Oktubre 10. Sa pamumuno ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD), lumahok sa naturang protesata ang mga kasapi ng grupong Kalipunan […]

17 kaso na ang paglabag sa press freedom sa ilalim ng rehimeng Marcos
October 12, 2022

Mula nang maupo sa pwesto si Ferdinand Marcos Jr, may 17 kaso na ng paglabag sa press freedom, ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). “Mula Hulyo 1, naisadokumento ng NUJP ang 17 kaso ng paglabag sa press freedom. Kabilang dito ang dalawang pagpaslang, apat na pagsasampa ng cyberlibel, dalawang pang-aaresto sa […]

Tagapagsalita ng BHB-Negros, pataksil na pinaslang ng AFP
October 12, 2022

Labag sa mga batas ng digma, walang-kalaban laban na pinaslang ng mga sundalo ng 94th IB si Ka Juanito Magbanua (Romeo Nanta), tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) Negros Island Regional Operational Command, noong Oktubre 10 ng hapon sa Sityo Medel, Barangay Carabalan, Himamaylan City. Walang katotohanan ang sinasabi ng militar na nagkaroon ng engkwentro, […]

NPA-Albay ambushes 16-man 49th IB unit
October 11, 2022

Red fighters of the New People’s Army (NPA)-Albay (Santos Binamera Commmand) ambushed a 16-man unit of the 49th IB in Barangay Bagacay, Jovellar, Albay last October 3. Seven soldiers were killed in the said ambush. Four were confirmed killed-in-action. The following day, a cadaver was found on the location of the incident while two others […]

16-kataong yunit ng 49th IB, inambus ng BHB-Albay
October 11, 2022

Tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Albay (Santos Binamera Commmand) ang 16-kataong yunit ng 49th IB sa Barangay Bagacay, Jovellar, Albay noong Oktubre 3. Pitong sundalo ang napaslang sa mga sundalo sa naturang ambus. Apat ang kumpirmadong agarang napatay sa armadong aksyon. Sa sumunod na araw, isa pang katawan ang natagpuan sa […]

Mapaniil na batas sa SIM card registration, pinirmahan ni Marcos
October 10, 2022

Ganap nang isang batas ang mapaniil na SIM card registration na mag-oobliga sa lahat ng gumagamit ng SIM card (sa selphon o internet) na irehistro at ipaalam sa estado at mga kumpanyang telekomunikasyon ang personal nilang mga detalye. Pinirmahan ni Ferdinand Marcos Jr ngayong araw ang niratsadang batas na naging Republic Act No. 11934. Gagawin […]

Kagyat na pagpapalaya kay Leila de Lima, muling ipinanawagan
October 10, 2022

Muling ipinanawagan ng iba’t ibang sektor at grupo ang kagyat na pagpapalaya sa dating senador na si Leila de Lima. Ito ay matapos na siya’y maging hostage kahapon ng isang detenido sa pinagbibimbinan niya sa PNP Costudial Center sa Camp Crame sa Quezon City. Isa sa mga nagpahayag ng pangamba sa insidente ang Gabriela Women’s […]

2 unyonista, patraydor na inaresto
October 10, 2022

Mahigpit na kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang patraydor na pag-aresto kina Kara Taggaoa, international officer ng KMU, at Larry Valbuena, presidente ng PASODA-PISTON, kaninang umaga. Nasa Quezon City Trial Court ang dalawa para harapin ang gawa-gawang kasong isinampa sa kanila na pagnanakaw nang patraydor silang arestuhin sa hiwalay na kasong direct assault. Ayon sa […]