Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Imbestigasyon ng ICC sa mga krimen ni Duterte, tuluy na tuloy na
September 28, 2022

“Walang merito” o hindi makatatayo ang argumento ng gubyerno ng Pilipinas laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga krimen laban sa sangkatauhan ng nagdaang rehimeng Duterte. Ito ang naging tugon ni Karim Khan, prosekyutor ng korte, sa pusisyon ng gubyerno ng Pilipinas na hindi na dapat ituloy ng ICC ang kaso. […]

Pagsasaayos ng mga eskwelahang nasira ng bagyong Karding, pinabibilis ng mga guro
September 27, 2022

Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) at gubyernong Marcos na kagyat na isaayos ang mga eskwelahang nasira dulot ng superbagyong Karding na tumama sa malaking bahagi ng bansa noong Sabado at Linggo. Ayon sa ACT, dapat mabilis na ayusin ang mga nasirang eskwelahan dahil makaaapekto ito sa 100% harapang […]

Facebook/Instagram, napatunayang sumikil sa mga karapatan ng mga Palestino
September 27, 2022

Napilitan ang kumpanyang Meta, ang may-ari ng Facebook at Instagram, na isapubliko noong Setyembre 23 ang isang pag-aaral na nagpatunay na sinikil nito ang mga karapatan ng mga Palestino sa isang krusyal na panahon noong nakaraang taon. Ang pag-aaral na ito ay binuo ng Business for Social Responsibility, kumpanyang kinumisyon mismo ng Meta, kaugnay sa […]

Ika-9 na Kongreso ng Christians for National Liberation, idinaos
September 27, 2022

Nagtipon ang mga kinatawan ng mga balangay at yunit ng Christians for National Liberation (CNL) sa isang hindi tinukoy na lugar sa Luzon para idaos ang ika-9 na Kongreso nito. Huling nagtipon ang Kongreso ng CNL noong 2017 sa isang larangang gerilya sa Timog Pilipinas. Ang CNL ay isang lihim na organisasyon ng mga relihiyoso […]

Mga hukom, kinundena ang redtagging sa kapwa husgado
September 25, 2022

Nanawagan ang HUKOM Inc, asosasyon ng mga husgado ng mga trial court, laban sa “normalisasyon” ng mga atake sa kanilang hanay matapos iredtag ng isang dating upisyal ng National Task Force (NTF)-Elcac si Judge Marlo Magdoza-Malagar. Noong Setyembre 21, ibinasura ni Judge Malagar ang kasong terrorist proscription na isinampa ng Department of Justice laban sa […]

Mga migranteng domestic worker sa Hong Kong, iginigiit ang taas-sahod
September 23, 2022

Nagprotesta ang mga migranteng domestic worker sa Hong Kong sa harap ng Labour Department dito noong Setyembre 18 para igiit sa gubyerno na itaas ang kanilang natatanggap na minimum na sahod at alawans sa pagkain. Pinangunahan ang protesta ng Asian Migrants Coordinating Body-AMCB-International Migrants Alliance na kinabibilangan ng mga organisasyon ng mga migrante mula Indonesia, […]

Pitong magsasaka, 13 oras na hinawakan at tinortyur ng 75th IB
September 23, 2022

Brutal na batas militar ang naghahari sa Sityo Katabadan, Barangay San Roque, San Miguel, Surigao Del Sur. Noong Setyembre 18, dinakip at hinawakan ng mga tropa ng 75th IB at walang-awat na tinortyur nang 13 oras ang pitong magkakamag-anak na magsasaka sa naturang sityo. Pinararatangan silang mga kasapi ng hukbong bayan. Kinilala ang mga biktima […]

Pakikiisa sa paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Batas Militar, ipinaabot ng CPI (Maoist)
September 21, 2022

Ipinaabot ni Kasamang Amrut, tagapagsalita ng Communist Party of India (CPI-Maoist) para sa internasyunal na mga usapin, ang pakikiisa sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ngayong araw. Ayon kay Kasamang Amrut, dapat bigyan ng rebolusyonaryong pagpupugay ang lahat ng mga martir at nag-alay ng buhay sa paglaban sa […]

CPP Negros newsletter asks Ka Luis Jalandoni about Martial Law
September 21, 2022

There is no other way to overcome the current Marcos regime but for the people to persist in struggle until victory, just like the fight against his dictator father, former Diocese of Bacolod Social Action Center Director Luis Jalandoni told Ang Paghimakas. In an interview published today on Communist Party of the Philippines (CPP) – […]

Kwento ni Tatay Elias, dating elemento ng CAFGU
September 21, 2022

“Murag dili ka gawasnon na tao ba, [para kaming hindi mga tao].” Ito ang paglalarawan ni Tatay Elias sa pagtrato sa kanila ng mga regular na sundalo. Dating kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) si Elias sa erya ng Surigao del Sur. Aniya, kahit off-duty, pinasasama silang mga CAFGU tuwing may operasyon ang […]