Sabwatang Marcos-San Miguel, pinananagot sa oil spill sa Manila Bay
August 07, 2024

Pinapanagot ng mga grupong maka-kalikasan ang San Miguel Corporation at ang rehimeng Marcos sa naganap na oil spill (tumapong langis) mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa Manila Bay. Anila, dapat managot ang mga ito sa pinsalang dala ng tumapong langis sa kabuhayan ng komunidad, sistema ng ekolohiya at kalusugan ng mamamayan. Ang […]

Pag-aaral sa IKP at AKP, inilunsad sa Southern Tagalog
August 07, 2024

Hindi bababa sa 21 indibidwal ang nakapagtapos sa magkasunod na pag-aaral ng Intermedya (IKP) at Abanteng Kurso ng Partido (AKP) sa Southern Tagalog noong Mayo at Hunyo, ayon sa ulat ng Kalatas, rebolusyonaryong pahayagan sa rehiyon, sa isyu nito noong Hunyo. Nagmula ang mga estudyanteng nagtapos sa mga sangay ng Partido sa hukbong bayan at […]

Mga protesta
August 07, 2024

  Tigil-pasada sa UP-Diliman. Nagtigil-pasada ang mga tsuper at opereytor ng dyip na bumibyahe sa loob ng UP-Diliman noong Agosto 1 para tutulan ang pagpasok ng kooperatiba ng e-jeepney na aagaw sa ruta ng mga tradisyunal na dyip sa kampus. Pinangunahan ang pagkilos ng UP Transport Group, sa suporta ng mga estudyante, guro, at mga […]

Jeepney phaseout, patuloy na nilalabanan
August 07, 2024

Patuloy na iginigiit ng mga drayber at opereytor ang pagbabasura ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na nagtutulak ng jeepney phaseout at pagpalit sa mga ito ng mahal at pinaglumaan nang mga imported na mini-bus. Ito ay matapos ideklara ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang PUVMP sa kabila ng ikalawang resolusyon ng […]

Pasistang lider ng Bangladesh, napatalsik ng mga protesta
August 07, 2024

Napatalsik ng mamamayang Bangladesh ang prime minister ng bansa na si Sheik Hasina Wazed kahapon, Agosto 5, sa gitna ng dambuhalang mga protesta laban sa kanyang paghahari. Napalayas siya isang araw matapos maganap ang pinakamadugong protesta sa bansa, kung saan pinaulanan ng bala ng mga pulis ang libu-libong raliyista. Mahigit 90 ang agad na napatay […]

Mga manggagawa sa Nexperia, magwewelga
August 07, 2024

Bumoto ang 1,246 sa kabuuang 1,883 manggagawa ng Nexperia Philippines Inc. Workers’ Union (NPIWU)-NAFLU-KMU pabor sa paglulunsad ng welga laban sa malawakang tanggalan ng kumpanya. Isinagawa ng unyon ang strike vote noong Hulyo 29-30 sa Cabuyao, Laguna. Maayos na naisagawa ang aktibidad matapos ang naunang naantalang botohan noong Hulyo 17-18 dahil sa lantarang pakikialam ng […]

Eleksyon sa Venezuela, pinakikialaman ng US
August 07, 2024

Matagumpay na idinaos sa Venezuela ang eleksyong pampanguluhan noong Hulyo 28. Nanalo dito ang nakaupong presidente na si Nicolas Maduro, isa sa mga matatag na anti-imperyalistang pinuno sa Latin America. Nakakuha siya ng 51.2% ng mga boto, laban sa kalaban niyang si Edmundo Gonzalez Urrutia, na nakakuha ng 44.2%. Tinangka ng US at mga alyado […]

Panghihimasok ng US sa Asia, pumasok sa “hypermode”
August 07, 2024

Pumasok sa “hypermode” o mas maigting na yugto ang panghihimasok ng imperyalistang US sa Asia noong Hulyo. Mula Hulyo 25, anim na bansa sa Asia ang inikot sa 10 araw ni State Sec. Antony Blinken (kalihim sa ugnayang panlabas). Bumisita at nakipagpulong si Blinken sa Vietnam, Laos, Japan, Pilipinas, Singapore at Mongolia. Ayon sa pahayag […]

4 katao, pinaslang ng AFP
August 07, 2024

Tatlong hors de combat at isang matandang magsasaka ang walang kalaban-labang pinatay ng militar sa nagdaang mga linggo. Walo naman ang inaresto at sinampahan ng gawa-gawang kasong kriminal. Sa Negros Occidental, dinampot ng 15th IB ang 69-anyos na magsasakang si Ramon Enseniales, dinala sa gubat, at sadyang pinaslang noong Hulyo 29 sa Sityo Pasto, Barangay […]

"Libreng wifi" ng NCIP sa Rizal, para sa sarbeylans
August 07, 2024

Nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal sa ikinabit ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na “libreng wifi” sa kanilang barangay noong Mayo. Batid nilang inilagay ito para manmanan sila ng National Task Force-Elcac. Ayon sa ulat, mismong ang NCIP ang naglantad sa layunin ng “libreng serbisyo.” Sa isang […]