Eleksyon sa Venezuela, pinakikialaman ng US

,

Matagumpay na idinaos sa Venezuela ang eleksyong pampanguluhan noong Hulyo 28. Nanalo dito ang nakaupong presidente na si Nicolas Maduro, isa sa mga matatag na anti-imperyalistang pinuno sa Latin America. Nakakuha siya ng 51.2% ng mga boto, laban sa kalaban niyang si Edmundo Gonzalez Urrutia, na nakakuha ng 44.2%.

Tinangka ng US at mga alyado nito sa Latin America na guluhin ang eleksyon sa pamamagitan ng pag-hack sa data transmission system na nagresulta sa pagkabalam ng paglalabas ng resulta ng bilangan. Nang di nagtagumpay, idineklara nitong “dinaya” ang eleksyon at kinilala si Urrutia bilang “panalo” kahit walang hawak na ebidensya ng dayaan.

Si Urrutia ay panghaliling kandidato ng oposisyon na si Maria Corina Machado, na pinagbawalang tumakbo dahil sa pagsuporta niya sa US sa pagpataw ng mga sangsyong pang-ekonomya na nagpapahirap sa Venezuela, at sa pagpanawagan para sa dayuhang interbensyong militar para patalsikin si Maduro.

Eleksyon sa Venezuela, pinakikialaman ng US