Archive of NDF-Southern Tagalog

Buuin at patatagin ang rebolusyonaryong pagbubuklod ng mamamayang Lagunense!
April 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Malaya Asedillo | Spokesperson |

Nagdiriwang ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa probinsya ng Laguna sa ika-51 na anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines! Pinagpupugayan din ng NDFP Laguna ang lahat ng rebolusyonaryo na nagpapatuloy magpunyagi para isulong ang pambansang pagpapalaya at ang sosyalistang kinabukasan para sa sambayanan. Kabilang na rito ang mga dakilang martir ng […]

Opisyal na pahayag ng RCTU-Laguna para sa ika-51 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines
April 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Revolutionary Council of Trade Unions-Laguna | Teodoro Miguel | Spokesperson |

Isang nag-aalab na pagbati ang ipinaabot ng rebolusyonaryong konseho ng mga manggagawang Lagunense sa National Democratic Front of the Philippines sa ika-51 anibersaryo nito. Pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay sa tunay na nagbubuklod sa pagkakaisa ng masang anakpawis! Ang inyong pananagumpay sa loob ng limang dekada ay nagsisilbing tanglaw sa mga rebolusyonaryong manggagawa sa […]

Balikatan Exercises, bahagi ng gerang agresyon ng US sa Asia Pacific: Tutulan at labanan ang panghihimasok ng US at panunulsol ng gera!
April 18, 2024 | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Marapat na kundenahin, tutulan at labanan ng mamamayang Pilipino ang mga mapanulsol na aktibidad ng US kagaya ng Balikatan Exercises sa Asia Pacific dahil sa bantang inihahatid nito sa mga mamamayan sa rehiyon, lalung laluna sa sambayanang Pilipino. Kailangang palakasin ang pakikibaka para ipaglaban at igiit ang pambansang soberanya at kasarinlan ng Pilipinas sa harap […]

Pagpupugay sa ika-55 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Kabataan, isulong ang digmang bayan!
March 29, 2024 | Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) | Marjorie Topacio | Spokesperson |

Taas kamong pagbati ang ihinahandog ng Kabataang Makabayan-Balangay Cristina Catalla sa Bagong Hukbong Bayan sa ika-55 na anibersaryo nito! Sa loob ng 55 taon, puspusang naglingkod at isinulong nito ang interes ng mamamayang Pilipino, sa gabay ng Partido ay buong tapang itong lumaban sa pang-aapi at pagsasamantala ng lokal na naghaharing uri at imperyalistang US, […]

Magbubukid at uring anakpawis sa kanayunan, lumahok sa digmang magsasaka! Ipagbunyi ang ika-55 taong pagkakatatag ng BHB!
March 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Ang okasyon ng buhay at kamatayang ika-55 taong pagkakatatag ng ating pinakamamahal na Hukbong bayan, ang Bagong Hukbong Bayan (BHB), ay pambihirang pagkakataon para ipagdiwang ang walang-maliw at di maiigang pagtangkilik at pagtataguyod, hanggang sa paglahok at pagsampa sa BHB ng masang magbubukid at iba pang uring api sa kanayunan. Dakilang pagkakataon din ito upang […]

Ipagbunyi ang ika-55 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Itaguyod ang kilusang pagwawasto at itulak sa mas mataas na antas ang ating rebolusyonaryong pakikibaka!
March 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Sa araw na ito, mainit nating salubungin at gunitain ang ika-55 anibersayo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ipinapaabot ng National Democratic Front-Cavite at ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa lalawigan ang pinakamataas na pagpupugay at pulang pagsaludo sa lahat ng pulang kumander, pulang mandirigma at milisya na nag-aalay ng kanilang buhay para sa […]

Panghawakan ang panawagan ng pagwawasto! Isulong ang armadong pakikibaka hanggang sa tagumpay!
March 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Malaya Asedillo | Spokesperson |

Binabati ng National Democratic Front of the Philippines sa lalawigan ng Laguna ang Bagong Hukbong Bayan sa ika-55 na anibersaryo nito. Pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng Pulang mandirigma at kumander ng tunay na hukbo ng sambayanan! Sa loob mg mahigit limang dekada, nilagpasan ng BHB ang samu’t saring paghihirap at sakripisyo alang-alang sa pagsulong […]

Mamamayan ng TK, lumahok sa armadong pakikibaka! Ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng NPA!
March 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagdiriwang ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ng Timog Katagalugan sa ika-55 anibersaryo ng New People’s Army. Okasyon ito upang ipagbunyi ang nagpapatuloy na apoy ng armadong pakikibaka sa rehiyon at sa buong bansa sa nakalipas na mahigit limang dekada. Sa araw na ito, nagpupugay ang NDFP-ST sa mga rebolusyonaryong martir at bayani ng sambayanan na […]

Puspusang magwasto at iabante pasulong ang makatarungang digma ng Bagong Hukbong Bayan!
March 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Ating marubdob na salubungin ang ika-55 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan ng may mahigpit na pagtangan sa mga kagyat at kritikal na mga tungkulin ng Kilusang Pagwawasto at malayong tumanaw na ipagtagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan at gapiin ang kaaway. Ating pagpugayan ang lahat ng mga pulang mandirigma at mga kumander na araw-araw na […]

Babae, ang lugar mo ay sa pambansa demokratikong rebolusyon! Sumapi sa NPA!
March 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna | Divina Malaya | Spokesperson |

Pinakamainit na pagbati at pulang saludo ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan sa probinsya ng Laguna (MAKIBAKA Laguna) para sa ika-55 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Sa loob ng higit limang dekada ng pagsusulong ng armadong pakikibaka sa kanayunan, nakatatak na sa kasaysayan ang kontribusyon ng Hukbo sa dakilang kilusang mapagpalaya. Humarap […]