Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Pagtutuloy ng imbestigasyon ng ICC, tagumpay ng pakikibakang bayan! Panagutin ang mamamatay-taong rehimeng Duterte!
February 07, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Isang tagumpay para sa mamamayang Pilipino lalo sa mga tagapagtanggol ng karapatang tao at mga biktima ng karahasan ng estado ang pagtutuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen ng nakaraang rehimeng Duterte kaugnay ng brutal na gera kontra-droga. Malaking tulak sa ICC ang pag-apela ng 204 biktima na kumakatawan sa 1,050 […]

Tulungan at ipagtanggol ang mamamayan ng Quezon laban sa pandarahas ng AFP
January 31, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST sa lahat ng mapagkawanggawang institusyon, tunay na lingkod bayan, taong simbahan at internasyunal na makataong organisasyon na tulungan ang mamamayan ng Quezon laban sa atrosidad ng 85th IBPA, 201st Brigade at Southern Luzon Command. Nangangailangan ng mga ayuda at tulong psycho-social ang mga biktima. Ayon sa ulat ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-NPA […]

Paggunita sa ika-36 taon ng Mendiola Massacre: Lupa at hustisya, kamtin sa digmang bayan
January 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ginugunita ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang ika-36 taon ng Mendiola Massacre na kumitil sa buhay ng 13 magsasakang nakibaka para sa karapatan sa lupa at iba pang serbisyong panlipunan. Kaisa ng magsasaka at sambayanang Pilipino ang NDFP-ST sa kanilang laban para sa lupa at kamtin ang hustisya sa mga biktima ng Mendiola […]

Katarungan para kay Ka Manny at iba pang biktima ng Bloody Sunday!
January 21, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagpupuyos sa galit ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa pagdismiss ng Department of Justice (DOJ) sa kasong murder ng 17 pulis at isang ahente ng CIDG kay Emmanuel “Ka Manny” Asuncion ng BAYAN-Cavite sa Bloody Sunday noong Marso 7, 2021. Hindi maikakaila na ang DOJ ay protektor ng mamamatay-taong estado at nagpapatupad ng hungkag na […]

Imperyalistang pandarambong ang sanhi ng pagbaha: Itigil ang mapangwasak na pagmimina!
January 09, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinagdudusahan ngayon ng mamamayang Pilipino ang walang pakundangang pangwawasak sa kalikasan ng mga ganid na dayuhan at lokal na kapitalista sa ngalan ng pagkakamal ng tubo. Sa nakaraang buwan, naganap ang matitinding pagbaha sa Mindanao at Timog Palawan matapos ang mga pag-ulan na dala ng shearline at amihan. Nasa higit 3,900 pamilya mula sa Brooke’s […]

Mga di pantay na kasunduan sa China, tutulan at labanan
January 09, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kaisa ng mamamayang Pilipino ang NDFP-ST sa pagtutol at paglaban sa mga kasunduang binuo nina Xi Jinping at Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pagdalaw ng huli sa China noong Enero 3-5. Mayroong 14 na bilateral na kasunduang pinirmahan ang dalawa, pinakatampok ang kaugnay sa pagmimina ng langis sa West Philippine Sea (WPS). Samantala, hindi inilalantad […]

Dakilang pamana ni Ka Joma, magpapatuloy; sa tagumpay patungo ang rebolusyon!
December 25, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Sampu ng mga kabataan at bagong henerasyong rebolusyonaryo, nagbibigay-pugay at kinikilala namin si Kasamang Jose Maria “Joma” Sison bilang pinakadakilang Pilipino at lider rebolusyonaryo ng nagdaang siglo. Ang kanyang pagpanaw ay hindi pagtatapos ng rebolusyon, kundi pagsisimula ng panibagong yugto ng pagbangon ng sambayanan at pag-usbong ng mga bagong Ka Joma sa hanay ng mga […]

Liham ng NDF-Southern Tagalog sa Rappler
December 21, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

  Letter to the Editor Disyembre 21, 2022 Mga kinauukulang kasapi ng Editoryal Board ng Rappler, Pinakamainit na rebolusyonaryong pagbati! Sana’y ligtas kayo sa gitna ng matinding pang-aatake ng rehimeng Marcos-Duterte sa karapatan sa malayang pamamahayag at iba pang demokratikong karapatan. Ikinalulugod naming mabasa ang ilang mga artikulong progresibo mula sa inyong news outlet sa […]

Ka Joma, tunay na tagapamandila ng kapayapaan at hustisyang panlipunan
December 18, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kasinungalingan ang pahayag ng Department of National Defense (DND) na sa pagpanaw ni Kasamang Jose Maria Sison, nawala ang pinakamalaking balakid sa pagkakamit ng kapayapaan sa Pilipinas. Dapat itakwil ang imbing pakana na dungisan ang pangalan ni Ka Joma at ang dakila’t makatwirang rebolusyon na buong buhay niyang isinulong. Si Ka Joma ang tagapangulong tagapagtatag […]

Tutulan ang garapalang pandarambong sa pondo ng bayan sa pakanang Maharlika Investment Fund!
December 15, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Makatwiran ang pagtutol ng mamamayang Pilipino sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) na pakana ni Marcos Jr. para sa lantarang pagnanakaw sa pondo ng bayan. Kaisa ng NDFP-ST ang sambayanang Pilipino sa labang ito. Isinusulong ang MIF sa Kamara sa pangunguna ng mga kapamilya at alipores ni Marcos Jr. na sina House Speaker Ferdinand Martin […]