Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

203rd IBde, bigo sa dalawang labanan sa Mindoro
February 12, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sa araw ng pagbubukas ng kampanyahan para sa mid-term elections, binigo ng dalawang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro ang mga atake ng 68th IBPA at 4th IBPA ng 203rd Infantry Brigade ngayong Pebrero 11 sa Sityo Kalinisan, Barangay Bayutbot, San Jose, Occidental Mindoro at sa Sityo Tignoan, Barangay Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro. […]

Ipagbunyi ang pagbigo ng NPA-Mindoro sa pasistang pananalakay ng 203rd BDE!
February 12, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Taas kamaong pagpupugay ang ibinibigay ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-BHB Mindoro sa mga Pulang kumander at mandirigma nitong bumigo sa magkasunod na strike operation laban sa dalawang yunit ng BHB ngayong araw. Sa mga labanan, nagtamo ng apat na kaswalti ang pasistang pwersa ng 203rd IBde habang ligtas namang nakaatras nang walang pinsala ang […]

Tuluy-tuloy na palakasin ang mga pakikibakang bayan para patalsikin si Sara, papanagutin si Digong at singilin si Marcos!
February 07, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang tuluy-tuloy na protestang bayan sa rehiyon at buong bansa upang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Sara Duterte sa pagka-bise presidente. Libu-libong delegasyon ang nagtipon upang ipanawagan ang pagpapatalsik kay Sara, pagpapanagot kay Rodrigo Duterte at pagsingil kay Marcos sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nagresulta ito sa pagkakamit ng 215 boto sa […]

Mag-opensibang postura ngayong Pasko! Biguin ang pananalakay ng AFP-PNP!
December 24, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Inaatasan ang lahat ng yunit sa ilalim ng Melito Glor Command na magtaas ng alerto at maghandang mag-opensiba ngayong panahon ng kapaskuhan upang salagin ang walang patid na pang-aatake ng AFP-PNP sa mga yunit ng NPA at sa masang mamamayan. Ito ay bilang pagtalima sa deklarasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 17 na […]

Kundenahin ang AFP sa pagbinbin ng mga labi ni Susan Ritual
December 05, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Laguna (Cesar Batralo Command) | Magdalena Kalayaan | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang ginawang pagbinbin ng 2nd ID, 80th IBPA at PNP sa mga labi ng rebolusyonaryong martir na si Susan Ritual/Ka Gemma na nasawi sa Barangay Bacong Sigsigan, Famy, Laguna noong Nobyembre 28. Halos tatlong araw na pinahirapan ang pamilya ni Ka Gemma sa ginawang pagkakait ng kanyang mga labi […]

Tuluy-tuloy ang ligalig sa loob ng AFP-PNP sa gitna ng bangayang Duterte-Marcos
December 01, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Dapat punitin ang ilusyong ipinalalaganap sa mga balita at sa social media na istable at nagkakaisa ang Armed Forces of the Philippines sa harap ng umiinit na tunggalian ng mga pamilyang Marcos at Duterte. Ito ay kasinungalingang gustong isubo ng mga heneral ng AFP-PNP at ng mismong GRP sa mamamayan upang pagtakpan ang mga sumisingaw […]

Pinakamataas na pagpupugay at Pulang Saludo kay Ka Gemma, Pulang Kumandera, Martir ng sambayanan!
December 01, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Laguna (Cesar Batralo Command) |

Pinakamataas na pagpupugay at Pulang saludo ang ipinaabot ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna kay Susan “Ka Gemma” Ritual, Pulang kumandera ng Bagong Hukbong Bayan! Nasawi si Ka Gemma sa pasistang atake ng 80th IBPA at 22nd DRC ng 2nd ID sa Barangay Bacong Sigsigan, Famy, Laguna noong Nobyembre 28, 2024 habang gumagampan ng rebolusyonaryong gawain sa […]

Ipagbunyi ang mga tagumpay ng kabataang Pilipino!
December 01, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Ipinagbubunyi ng Melito Glor Command, sampu ng mga mandirigma nito, ang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Nagpupugay kami sa mayamang kasaysayan ng pakikibaka ng KM para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Mula Nobyembre 30, 1964, pinatunayan ng KM ang katapatan sa pagtataguyod ng rebolusyonaryong adhikain at buong pusong isinanib ang lakas at kasigasigan sa […]

Mamamayang Mindoreño, maging mga Katipunero ng bagong panahon! Isulong ang armadong pakikibaka para sa pambansang demokrasya!
November 30, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sa ika-161 na taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, umaalingawngaw pa rin ang panawagan ng Katipunan: Masang anakpawis, mag-armas upang makamit ang pambansang kalayaan at demokrasya! Mahigit limang siglo na ang nakararaan, nagpapatuloy at lumalala ang pagpapahirap at panunupil sa sambayanang Pilipino, higit lalo sa masang anakpawis. Ang dating kolonyal at pyudal na kaayusan sa […]

Panagutin ang 80th IB sa walang-patumanggang pamamaril sa mga sibilyan ng Famy, Laguna
November 28, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Laguna (Cesar Batralo Command) | Magdalena Kalayaan | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Cesar Batralo Command ang walang patumanggang pamamaril ng 80th IB kanina, November 28, sa Barangay Bacong-Sigsigan, Famy, Laguna. Labag sa internasyunal na makataong batas ang ginawang walang-habas na pamamaril sa gitna ng kabahayan ng sityo kung saan mismo naroroon ang mga sibilyan, kabilang ang mga bata. Walang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at karapatan […]