Nananawagan ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Quezon sa mga lingkod-bayan, personahe at grupong nagtatanggol sa kapayapaan at karapatang tao na gumawa ng kaukulang hakbang para matiyak ang kaligtasan ni Jose dela Cruz, o Ka RC. Siya ay nakuha ng mga sundalo ng 85IBPA matapos masugatan sa labanan sa pagitan ng sundalo at NPA noong […]
“Ang mga rebolusyonaryong kadre ay lumilikha ng mga buhay na kolektibo sa hanay ng mga mamamayan. Ang pagkawala ng isang kadre, ano man ang kanyang ranggo, ay hindi nangangahulugan ng pagkamatay ng buhay na kilusan. Ang halaga ng isang kadre ay nasa kanyang kakayahang lumikha ng isang bagay na patuloy sa pagkabuhay at paglago, kahit […]
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang pagpaslang ng berdugong 1001st Bde at hepe nitong si Jesus Durante III sa modelong si Yvonne Chua-Plaza. Ang pagpaslang sa kanya ay bahagi ng maruming gera ng sabwatang Marcos-Duterte laban sa mamamayan at lahat ng kritiko nito at hindi isang simpleng crime of passion na gustong palabasin […]
Inaatasan ng MGC ang lahat ng yunit ng NPA sa Timog Katagalugan na paghandaan at labanan ang mas brutal na pang-aatake ng estado sa pangunguna ng mga nagbabalik na berdugong heneral na sina Eduardo Año, Andres Centino at Carlito Galvez. Ang kanilang mga kamay ay tigmak ng dugo ng masang anakpawis, mga aktibista at mamamayang […]
Nakikiisa ang MGC-NPA Southern Tagalog sa panawagan ng bayan na ilabas ang tunay na dahilan sa likod ng pagpatay ng AFP sa negosyanteng Dabawenya na si Yvonnete Chua Plaza. Malaki ang posibilidad na pinaslang ang biktima dahil sa kanyang nalalaman tungkol sa mga krimen ng AFP batay sa mga post ng biktima sa social media […]
Desperadong umaawit ng lumang tugtugin ang mga opisyal ng pasistang AFP-PNP-MIMAROPA sa kanilang pagmamalaki ng pekeng balita ng pagsuko ng 46 miyembro ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) nitong Enero 22. Isa na naman itong gasgas na pakana upang maghasik ng mabangis na kampanyang saywar sa hanay ng mamamayang Mindoreño. Sinungaling […]
Dapat pahigpitin ng mamamayan ang kanilang pagkikipagkaisa sa NPA at higit na palakasin ang armadong pakikibaka sa gitna ng kaguluhan at agawan ng kapangyarihan ng mga pwersang militar at pulis sa pagitan ng paksyong US-Marcos at US-Duterte laban sa mamamayang Pilipino. Sa simula ng taong 2023, nasaksihan ng bayan ang unprecedented na bilis ng palitan […]
Dapat itakwil ng mamamayan ang Department of Justice sa garapalan nitong pagtatakip sa 59th IBPA at pagpapakalat ng kasinungalingan hinggil sa pagkamatay ng 9-taong batang babae na si Kyllene Casao sa Sityo Centro, Brgy. Ginhawa, Taysan, Batangas noong Hulyo 18, 2022. Para isalba ang 59th IBPA, pinalalabas ng DOJ na NPA ang maysala sa krimen. […]
Sa mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), Walang dapat ipagdiwang sa ika-87 taong anibersaryo ng inyong pasistang institusyon na AFP. Ang kasaysayan ng inyong institusyon ay kasaysayan ng pagpapakatuta sa imperyalismo, paggiging bayaran sa pagtatangol ng interes ng mga lokal na naghaharing uring panginoong maylupa (PML) […]
Kasama ng buong hanay ng rebolusyonaryong kilusan sa probinsya ng Palawan, mahigpit na nakikiisa at taas-kamaong nagpupugay ang BVC-NPA Palawan at NDF-Palawan sa maningning na ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng ating pinakamamahal na Communist Party of the Philippines (CPP). Mahusay nitong pinamunuan sa teoryang gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ang buong sambayanang nakikibaka sa pagsusulong ng demokratikong […]