Archive of Ulos

Kung hindi ako naging komunista
February 08, 2024 |

  Marahil ako’y maihahalintulad sa isang manikin May mata ngunit hindi nakikita Kaalipinang nakatambad sa kanyang mata May tenga pero walang marinig Kahit ang pinakamalakas na sigaw ng kalayaan! May ilong ngunit hindi naaamoy Ang umaalingasaw na kabulukan ng naaagnas nang problema May bibig ngunit hindi mabigkas Ang pagnanais na lumaya sa pagsasamantala Kung hindi […]

ANIBERSARYO
February 08, 2024 |

  Itay, saan ba ang ating punta? Ang pag-usisa ng bata Ngumiti ang ama at nagwika Pupuntahan natin ang iyong Ina at kuya Paparoon din ang maraming Katulad nating masa Para Makita ang mga kasama Ano ang meron, itay? Pag-uusisa ng bilugang mata Dadalo tayo sa Anibersaryo Ng ating Partido Oo, anak, ang ating Partido […]

Pasintabi sa Milenyal
February 08, 2024 |

  huwag mong ipagpalagay na ang iyong henerasyon ay lubusang mahusay kung sa kaibuturan ika’y gutay-gutay sa kabila ng tila pinabilis na ikot ng buhay ay unti-unting tumatamlay ang pagkilala sa sarili sa kung anong butil at binhi o ang pinagmulang uri binihisan ka ng teknolohiya na kumakain sa pagkilala sa halip na matuto ay […]

Alay sa Catbalogan 10
February 08, 2024 |

  Sa gubat na yaon, pinagnasaan nila silang pinakamatuwid, matatag ang tindig, matayug ang tinatanaw.. pero di nila kinayang ibuwal di nila kinayang itumba gaano man kalakas na mga pagtaga, gamitan man ng umaangil na makina. hindi sila natitinag sapagkat sila’y pinatibay ng panahon panahong batbat ng humahambalos na unos sa gubat na yaon, ng […]

Tagapangulong A.L.
February 08, 2024 |

  Ika’y mandirigma Sa pulang larangan Ganap ang batas Ng rebolusyon at lipunan Mahigpit ang tangan Sa sandata ng bayan! Wala kang sariling pag-aari Ni anupaman Liban sa aking lakas at Talas ng kaisipan Ngunit tiyak pakumbaba Mong sabihin: ‘Ang kaalaman ay sa masa At ang lahat ay sa akin Lang dumaan’ Patnugot ka kasama […]

Pinag-aralan Niya ang Buhay
February 08, 2024 |

  Pinag-aralan niya ang buhay, Kung paano lumalangoy ang mga palos sa mababangis na ilog, Kung paano dinedepensahan ng mga lumot ang mga puno mula sa hamog, Kung paano nananatiling malusog ang kagubatan kahit sa panahon ng tagtuyot Pinag-aralan niya ang buhay, Kung paano naglalakad ang mga baboy-ramo sa matatarik na bangin, Kung paano nakakayanan […]

Para kay Ka Denver
February 08, 2024 |

  Hindi na maikakaila ang kanyang edad Sa kanyang kumulubot ng mga balat Na sinunog na ng deka-dekadang pakikipagbuno para mabuhay Hindi na maikakaila ng kanyang bukong-bukong at tuhod Na sa mga lusungin ay lintik kung kumirot Hindi na maitatanggi ng kanyang pagtawa at pagnguya Na ang kanyang mga ngipin ay nagretiro na Siya’y hindi […]

Hindi makalilimot
February 08, 2024 |

  Sinong kasama ang makalilimot? Sa kwelang kasamang laging masayang nakikibaka tumatawa, nagpapatawa kahit madalas na nadarapa pagkat para sa kanya, ang tunay na saya ay nasa paglilingkod sa masa. Sinong masa ang kayang lumimot? Sa kanyang magiting na hukbo na sariling ambisyo’t karangyaa’y ibinaon sa limot dunong at lakas inialay ng walang pag-iimbot at […]

Babaeng Gerilya
February 08, 2024 |

  AMAZONA: Sila ang tinaguriang babae Sa mitolohiya ng griyego O ang ibong kulay berde Ang pakpak sa bayan ng kano Subalit dito sa bayang sinilangan ko Sila ang babaeng rebolusyonaryo Kumawala at bumabasag sa mitolohiyang dayo – Na ang babae ay bagay lamang sa kwarto Katambal ng inuming kwatro-kantos Na ilaw ng tahanan, nagbibigay […]

Tatak Wong
February 08, 2024 |

Alas-5 ng umaga noong Abril 6, alertong hinawakan ni Ka Wong ang kanyang M16 para labanan ang kaaway na papalapit sa bahay na kanyang tinutuluyan sa Sityo Gale, Barangay Lapok, Talakag, Bukidnon. Pero sa huling sandali, hindi niya ito pinaputok. Batid niyang hindi ililigtas ng kaaway ang dalawang bata at kanilang ina na noo’y nasa […]