Archive of Workers

Manggagawa ng TS Tech Trim Philippines, giit ang regularisasyon
October 26, 2022

Nagprotesta sa pambansang upisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Manila ang mga manggagawang kontraktwal ng TS Tech Trim Philippines-Laguna noong Oktubre 25. Giit nila sa DOLE na ibaba na ng ahensya ang desisyong regularisasyon nilang mga manggagawa sa naturang kumpanya. Ang TS Tech Trim Philippines ay nagmamanupaktura ng mga upuan para […]

Lider-manggagawa ng Quezon City, inaresto sa gawa-gawang kaso
October 26, 2022

(UPDATE) Pansamantalang nakalaya si Benjamin Cordero noong Oktubre 27 matapos magypansa. Ayon sa kanya, “Marami silang [estado] paraan para tayo’y patahimikin pero mas marami tayong paraan para magpatuloy.” Bago nito, mahigpit na kinundena ng Karapatan-National Capital Region ang pag-aresto kay Cordero noong Oktubre 25 nang alas-11:40 ng gabi sa kanyang tirahan sa Quezon City. Si […]

Mga manggagawa sa Regent Foods, nagprotesta
October 19, 2022

Nagprotesta sa harap ng pabrika ng Regent Foods ang mga manggagawa nito noong Lunes, Oktubre 17, para iprotesta ang pagtanggi ng kumpanya na ibalik sa trabaho ang tinanggal nitong mga manggagawa noong 2019 at ibigay sa kanila ang kanilang back wages (utang na sahod). Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment ang gayong pagpapabalik sa […]

2 unyonista, patraydor na inaresto
October 10, 2022

Mahigpit na kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang patraydor na pag-aresto kina Kara Taggaoa, international officer ng KMU, at Larry Valbuena, presidente ng PASODA-PISTON, kaninang umaga. Nasa Quezon City Trial Court ang dalawa para harapin ang gawa-gawang kasong isinampa sa kanila na pagnanakaw nang patraydor silang arestuhin sa hiwalay na kasong direct assault. Ayon sa […]

BBM = Bingi at barat sa mga manggagawa
October 07, 2022

Tinawag ng Kilusang Mayo Uno na “bingi at barat sa mga manggagawa” o BBM si Ferdinand Marcos Jr sa Pandaigdigang Araw ng Disenteng Trabaho (World Day of Decent Work o WDDW), ngayong araw. “BINGI sa panawagan para sa nakabubuhay na sahod, pagwawakas ng kontraktwalisasyon, at pagtataguyod ng karapatang pang-manggagawa,” pahayag ng KMU. “BARAT sa sahod […]

Tanggalan sa Cebu, pakay na ibaba ang sahod ng mga manggagawa
October 06, 2022

Iligal ang malawakang tanggalan na nagaganap sa Mactan Export Processing Zone nitong nakaraang mga buwan. Ito ang pagbatikos ng mga manggagawa sa Cebu sa ilalim ng AMA-Sugbo-Kilusang Mayo Uno. Ani Jaime Paglinawan, pinuno ng grupo, “layunin (ng tanggalan) na panatilihing mababa ang sahod ng lahat ng mga manggagawa sa MEPZ.” Inianunsyo noong Setyembre 29 ng […]

Kaligtasan sa lugar sa trabaho, muling ipinanawagan
October 06, 2022

Muling nanawagan ang mga manggagawa na kaagad ipatupad ang mga pamantayan sa kaligtasan sa mga lugar sa trabaho. Ito ay matapos isang manggagawa ang namatay at 10 ang nasugatan matapos bumigay noong Martes ang pundasyon ng itinatayong scaffolding sa isang construction site sa Quezon City. Bahagi ang naturang manggagawa ng isang housing project na matatagpuan […]

Rehimeng Marcos, walang programa sa mga nawalan ng trabaho
October 04, 2022

Kinastigo ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno ang rehimeng Marcos sa kawalan ng programa nito sa harap ng nagaganap na malawakang tanggalan ng mga manggagawa. Inianunsyo noong Setyembre 29 ng limang mayor na pagawaan ng damit sa Mactan Export Processing Zone ang pagtatanggal ng 4,000 manggagawa. Ang bilang na ito ay sangkapat […]

Dalawang organisador ng masang anakpawis, ginigipit
September 29, 2022

Walang tigil ang rehimeng Marcos sa panggigipit sa mga kritiko nito. Naiulat kahapon na dalawang organisador sa hanay ng masang anakpawis ang sinampahan ng kasong kriminal at nakatanggap ng warrant of arrest. Ayon sa Kilusang Mayo Uno, bigla na lamang silang nakatanggap ng naturang mandamyento laban kay Kara Lenina Taggaoa, upisyal nito sa mga usaping […]

Patuloy na singilin ang mga Marcos sa kanilang utang na dugo!
September 21, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Revolutionary Council of Trade Unions-Bicol |

Limampung taon na mula nang iluwal ng marahas at malagim na panahon ng batas militar ang mga makabayan, progresibo at rebolusyonaryong nag-alay ng kanilang buhay upang hadlangan, labanan at patalsikin ang diktador sa pangingibabaw habambuhay. Hanggang ngayon, patuloy na sinisingil ng sambayanan, kasabay ng mga pamilya ng mga martir, ang mga Marcos sa kanilang hindi […]