Archive of Workers

20,000 manggagawa sa China, nag-aklas laban sa panggagantso ng Foxconn
November 26, 2022

Hindi bababa sa 20,000 manggagawang Chinese na nagtatrabaho sa Foxconn, higanteng kumpanyang gumagawa ng mamahaling selpon na iPhone at iba pang produkto ng Apple, ang nag-aklas sa pabrika nito sa Zhengzhou noong Nobyembre 22-24 laban sa pangggagantso ng kumpanya. Sa tindi ng kanilang galit, sinira nila ang mga bintana ng pabrika at CCTV camera na […]

Itaas ang sweldo, panawagan ng mga kawani ng gubyerno
November 24, 2022

Nagtipon sa Quezon City noong Nobyembre 22 ang iba’t ibang pederasyon ng mga kawani ng gubyerno para ipahayag ang kanilang pagkakaisa para itaas ang sweldo ng mga kawani, katiyakan sa trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Kabilang sa mga dumalo ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Kapisanan ng mga Manggagawa sa […]

Pagsisante sa rider ng Grab na nagprotesta, binatikos
November 17, 2022

Binatikos ng mga grupong manggagawa ang pagsisante ng kumpanyang Grab sa isa sa mga rider nito na lumahok sa protesta sa Cebu noong Nobyembre 10. Ipinaabot sa pamamagitan ng sulat kay Miguel Mercado ng Grab Cyclist United na banned na siya o hindi na makatatrabaho sa kumpanya dahil sa paglahok niya sa protesta. Idinagdag pa […]

Hustisya para kay Ka Lando, mailap pa rin
November 16, 2022

Mailap pa rin ang hustisya para sa mga kaanak at kasamang manggagawa ni Rolando Olalia (Ka Lando) at kasama niyang si Leonor Alay-ay na pinatay ng mga ahente ng estado noong Nobyembre 13, 1986. Para gunitain ang anibersaryo ng kanyang pagkamatay, nag-alay ng bulaklak sa Bantayog ng mga Bayani noong Nobyembre 13 ang Kilusang Mayo […]

Petisyon para sa taas-sahod, sinimulan
November 13, 2022

Inilunsad noong Nobyembre 11 ng mga manggagawa, magsasaka, kawani, maralita at iba pang karaniwang mamamayan ang 30-day countdown para itulak ang reaksyunaryong estado na magsagawa ng mga hakbang para itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin. Kasabay nito, isang petition ang kanilang inihain na naglalaman ng bungkos ng kanilang mga hinaing. Sa […]

Masaker ng trabaho sa mga kumpanya sa teknolohiya sa US, nagaganap
November 10, 2022

Sunud-sunod na inanunsyo ng higanteng mga kumpanya sa teknolohiya ang malawakang tanggalan ng kanilang mga manggagawa sa gitna ng pagsirit ng implasyon at papalalang krisis sa US. Kahapon, Nobyembre 9, inanunsyo ng Meta Platforms Inc, kumpanyang may-ari ng Facebook at Instagram, ang planong pagtanggal nang mahigit 11,000 o 13% sa kabuuang bilang ng manggagawa nito […]

Kontra-unyon na direktor ng ospital pambata, ipinatatanggal
November 05, 2022

Naglunsad ng “snake rally” ang mga manggagawang pangkalusugan ng National Children’s Hospital kahapon para ipaabot ang kanilang disgusto sa Medical Center Chief (MCC) ng ospital at ipanawagan na huwag nang palawigin ang kanyang termimo. Dismayado ang mga manggagawa kay MCC Moriel Creencia dahil sa anila’y mga kontra-unyong hakbang at mga paglabag sa mga probisyon ng […]

Dagdag-sahod, sigaw ng mga manggagawa ng Kowloon
November 03, 2022

Naglunsad ng sama-samang pagkilos kasabay ng kanilang pahinga sa tanghali ang mga manggagawa ng Kowloon House sa pangunahing sangay nito sa West Avenue, Quezon City para ipanawagan ang pagtataas ng kanilang sahod. Pinamunuan ang pagkilos ng unyon ng Kowloon House na kaanib ng pederasyong Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries […]

Unang asembleya ng progresibong samahan ng mga marino, inilunsad
October 27, 2022

Nagtipon ang mga kasapi ng Concerned Seafarers of the Philippines (CSP) para sa unang asembleya nito noong Oktubre 24 sa UCCP Cosmopolitan Church sa Taft Avenue, Manila para pagtibayin ang pagkakaisa ng kanilang sektor para sa sahod, trabaho, kalusugan at karapatan. Ang CSP ay isang samahan na ipinagtatanggol ang karapatan ng mga marino at kanilang […]

Dagdag-singil sa serbisyo sa mga konsulado ng Pilipinas sa Eurozone, binatikos
October 27, 2022

Dismayado ang grupong Migrante Europe sa anunsyo ng gubyerno ng Pilipinas na itataas nito ang singil sa mga serbisyong ibinibigay ng mga embahada at konsulado nito sa mga migranteng Pilipino sa mga bansa sa Europe o Eurozone. Magsisimulang ipatupad ang taas-singil sa darating na Nobyembre. Ayon sa anunsyo, itataas ang singil sa mga serbisyo dahil […]