Kabataan ng Quezon, isulong ang demokratikong rebolusyong bayan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Mapulang saludo ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Quezon Balangay Dani Lagrama sa lahat ng Pulang kumander at mandirigma na patuloy na nagpupunyagi sa mahirap na landas ng rebolusyonaryong pakikibaka upang madurog ang kadena ng lumang lipunan—mula sa mga abo nito, sisibol ang isang malayang lipunan na pamumunuan ng masang api.
Sa mga larangang gerilyang nasasaklaw ng BHB, tinatamasa ng mga kabataan ang pag-angat ng kanilang antas sa kabuhayan bunga ng isinusulong na rebolusyong agraryo upang pawiin ang mala-pyudal na pananamantala sa kanayunan. Mula sa minimum na programa sa reporma sa lupa nariyan ang pagpapababa ng upa sa lupa at mga makinarya sa pagsasaka, pagpapababa ng interes hangang sa pagpawi ng usura, pagtataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagbabago ng sistema ng partehan sa ani pabor sa magsasaka katulad ng tresyong baligtad, at pagtataas ng presyo ng aning produkto ng magsasaka.
Tinatamasa din ng mga kabataan ang libre at mapagpalayang edukasyon sa mga paaralang ang mga hukbo mismo ang nagsisilbing guro. Nararapat lang na dakilain ng mga kabataan ang hukbong nagsisilbi sa mga demokratikong interes nila.
Sa ilang dekadang pagsusulong ng rebolusyon, naging katuwang ng BHB ang KM sa ngipin sa ngiping pakikipagtunggali sa kaaway. Mula sa pagbibigay ng suportang materyales, nakapagpadala din ng libu-libong mahuhusay na kadre at aktibista na pinanday ng pakikibaka sa lungsod ang KM upang mas lalong pag-alabin ang pagsusulong ng digmang magsasaka sa kanayunan.
Bilang mga taga-pagmana ng lipunan, hindi masasaid ang balon ng mga kabataang handang ialay ang kanilang buhay para sa sosyalistang bukas. Maasahan ng BHB na marami pang uusbong na katulad ni Dani Lagrama na buong tapang na haharapin ang mga kaaway upang ipagtanggol ang kabuhayan ng masa sa kanayunan. Hamon sa mga kabataan na umalpas sa kumunoy ng neoliberal na edukasyon na dinidiktahan ng mga Imperyalistang Bayan upang panatilihin ang huwad na kaayusan at itanim sa utak ng mga kabataan ang mga anti sosyal na kaisipan tulad ng Indibidwalismo. Sa pagpapanday ng bagong lipunan mula sa kanayunan, makakamit ng mga kabataan ang isang patriyotiko, siyentipiko, at makamasang tipo ng edukasyon.
Desperado ang rehimeng US-Marcos II na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa atas ng kanilang mga amo—ang mga malalaking may ari ng lupa, mga dayuhang korporasyon, at ang imperyalistang Estados Unidos na hayok na hayok huthutin ang yaman at rekurso ng bansa. Ipinagpapatuloy ng rehimeng US-Marcos II ang all out war na inilunsad ng mga nagdaang rehimeng mula pa sa diktaduryang US-Marcos I, ngunit gaya ng dati, mabibigo lamang sila dahil hindi kailanman nito malulutas ang mga ugat ng digmang sibil sa bansa — ang monopolyo sa lupa na siyang dahilan sa pagkabansot ng ating ekonomya at kronikong krisis sa kabuhayan.
Nararapat din na biguin ang pamilyang Duterte sa desperasyon nila na makabalik sa kapangyarihan. Dapat silang panagutin sa kanilang patong patong na krimen sa mamamayang Pilipino mula sa huwad na Oplan Tokhang na kumitil sa mahigit 30,000 na Pilipino, taliwas sa ipinangangalandakan ni Duterte na itoy “giyera laban sa droga.”
Sa katunayan, ito ay giyera laban sa mahihirap dahil ang mga kasapakat niyang mayayaman na drug lords tulad ni Peter Lim ay abswelto mula sa pagkakadawit sa droga. Si Duterte ang pinakamalaking suplayer ng droga sa bansa. Dapat din panagutin si Duterte sa kampanyang puting teror na kaniyang inilunsad sa tabing ng kampanyang “kontra insurhensya.” Sa ilalim ng rehimeng Duterte daan – daang magsasaka na nakikibaka para sa lupa ang minasaker ng mga berdugong militar.
Kabilang sa kaniyang mga kasalanan ang hindi bababa sa 29,000 mamamayan ng probinsya na biktima ng sapilitang pagpapalikas dahil sa pambobomba, sapilitang pagpapasuko, pamamaslang, arbitraryong pag-aresto at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso.
Mula kay Duterte hanggang kay Marcos Jr, ramdam na ramdam ng kabataan ang tumitinding pampulitika at ekonomikong krisis.
Kabataan, tupdin ang makasaysayang tungkulin! Lumahok sa makauring pakikibaka! Tumangan ng armas at durugin ang reaksyunaryong estado! Tara, mag-exposure, tour of duty at mag-fulltime sa BHB! Kabataan, sampa na sa sonang gerilya!