Pagbati sa ika-60 taong pagkakatatag ng Kabataang Makabayan: Pag-aralan ang lipunan, makipamuhay sa kanayunan at sumampa sa Bagong Hukbong Bayan
Kasama ng iba pang rebolusyonaryong organisasyong masa, ipinaabot ng PKM-TK ang kanyang pagsaludo sa ika-60 taon na maningning na paggunita ng pagkakatatag ng Kabataang Makabayan (KM). Di matatawaran ang inyong naging pambihirang ambag sa pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon, lalo ng ‘di mapaparisang kontribusyon ng pangulong tagapagtatag ng KM na si Ka Joma Sison. Napakarami na ring mga kabataan ang naging dakilang martir. Inspirasyon sila at huwaran sa mga kabataan para patuloy na yakapin ang armadong rebolusyon at damputin ang mga armas na nabitawan ng mga martir.
Sa ating rehiyon, ang maagang pagpupundar ng rebolusyonaryong baseng masa, paglulunsad ng anti-pyudal na pakikibaka, at mismong paglulunsad ng mga taktikal na opensiba ay binuno ng mga kabataang magsasaka, estudyante, manggagawa at manggagawang bukid at pambansang minorya noon. Buong tapang na isinanib nila ang kanilang kapangahasan, tapang at pagiging mapanlikha sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan o BHB para ipalaganap ang binhi ng pulang kapangyarihan sa kanayunan.
Ngayon, hindi pa rin mapigilan ang mga kabataang estudyante na makipamuhay sa mga magsasaka at iba pang api at pinagsasamantalahang uri. Naging mag-aaral sila ng buhay at pakikibaka ng masang magsasaka, katutubo, setler at iba pang api at pinagsasamantalahan sa kanayunan. Sila ay nakikiisa sa laban para sa tunay na reporma sa lupa, pagpapalit-gamit ng lupa at kaliwa at kanang demolisyon at pagpapalayas sa mga sakahan at kabahayan at pinagkukunan ng kabuhayan.
Libu-libo ang mga kabataang manggagawa, magsasaka, estudyante, katutubo, mangingisda na walang takot na tumungo sa kanayunan at sumapi sa BHB. Buong tatag nilang hinarap at pinangibabawan ang buhay-at-kamatayang paglilingkod sa sambayanan bilang mandirigma ng BHB. Maraming mga kabataang intelektwal ang hindi natinag ni nag-dalawang-isip na iwan ang maluluhong buhay at opurtunidad para sa sariling pagpapayaman. Puspusan silang nagpapanibagong-hubog para maging mga proletaryo-rebolusyonaryo.
Panata ng PKM-TK, sa pamumuno ng PKP-MLM, ang pagiging palaging bukas ng mga kanayunan, baybay dagat, bundok, bulubundukin, kapatagan at kaparangan at baybay dagat kung saan naroon ang mga magsasaka, mangigisda, katutubo, manggagawang bukid sa lahat ng kabataan upang maging ekstensyon ng paaralan at labanan ang mga neoliberal na patakaran sa eskwelahan. Inaanyayahan silang makipamuhay upang matutunan ang buhay at pakikibaka ng mga magsasaka at aping uri. Magsiyasat at magsuri sa kalagayan ng bayan hanggang sa lumahok sa pakikibaka at magtagumpay. Hamon ng PKM-TK sa mga kabataan ng kasalukuyang panahon, maging aktibong bahagi ng digmang magsasaka sa kanayunan, matuto at mapagpasyang bahagi sa pag-hubog ng lipunang malaya, demokratiko at may sosyalistang bukas.
Mabuhay ang KM!
Tumungo sa kanayunan at maging mag-aaral ng masang magsasaka!
Sumampa sa BHB at lumahok sa paglulunsad ng Rebolusyonaryong Agraryo!
Mabuhay ang BHB at PKP-MLM!
Mabuhay ang sambayanan lumalaban!