6 na aksyong militar, inilunsad sa Negros at Bukidnon

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Anim na aksyong militar sa nagdaang dalawang linggo ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa mga pasistang tropang militar. Inilunsad ang mga aksyong ito sa gitna ng mga focus military operation ng AFP.

Sa Sipalay City, nasamsam ng BHB-Southwest Negros ang dalawang kalibre .45 pistola, mga bala, tatlong magasin, dalawang selpon at isang granada sa ambus nito sa dalawang ahenteng intel ng 47th IB sa Sityo Camboguiot, Barangay Camindangan noong Nobyembre 24. Napatay ang dalawang sundalo na pangunahing sangkot sa gawaing paniktik at panunupil sa masa.

Ayon kay Andrea Guerrero, tagapagsalita ng BHB-Southwest Negros, magsisilbing babala ang armadong aksyon sa lahat ng espiya at aset ng AFP at PNP.

Pinaputukan ng BHB-Central Negros ang PNP substation sa Sityo Parkingan, Barangay Trinidad, Guihulngan City noong Nobyembre 25. Isang pulis ang nasugatan. Bago nito, pinaputukan ng BHB ang dalawang magkaibang yunit ng 62nd IB sa Sityo Tuko sa naturang barangay noong Nobyembre 21. Dalawang sundalo ang napatay at isa ang nasugatan.

Sa parehong syudad, pinaputukan ng BHB ang Army Patrol Base sa Barangay Sandayao noong Nobyembre 23. Isang sundalo ng 62nd IB ang nasugatan.

Sa Bukidnon, pinaputukan ng BHB ang nag-ooperasyong tropa ng 8th IB sa Purok 8, St. Peter, Malaybalay City noong Nobyembre 16. Isang sundalo ang napatay sa armadong aksyon.

6 na aksyong militar, inilunsad sa Negros at Bukidnon