Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

 

Harris, alis! Sinalubong ng protesta ng mahigit 500 katao ang pagdating ni US VP Kamala Harris sa Pilipinas noong Nobyembre 20. Nagmartsa sila patungong Mendiola sa araw ng pakikipagpulong ni Harris kay Ferdinand Marcos Jr sa Malacañang.

KM, 58 taon. Isang raling iglap ang inilunsad ng mahigit 100 kabataan noong Nobyembre 27 sa Recto Avenue sa Maynila bilang pagdiriwang sa ika-58 anibersaryo ng KM noong Nobyembre 30. Naglunsad sila ng maiksing programa at nag-iwan ng istrimer kung saan nakasulat ang “Mabuhay ang CPP-NPA-NDF! Kabataan, tumungo sa kanayunan! Sumapi sa New People’s Army!”

Masapa, 44! Nagraling-iglap ang may ilampung manggagawang pangkalusugan noong Disyembre 6 sa Carriedo Avenue sa Maynila bilang paunang paggunita sa ika-44 anibersaryo ng Makabayang Samahang Pangkalusugan. Panawagan nila sa mga manggagawang pangkalusugan na sumapi sa hukbong bayan.

Mga unyonista, palayain! Nagpiket noong Disyembre 6 sa Quezon City Hall of Justice at Manila City Regional Trial Court, ang mga tagasuporta at kaanak ng mga unyonistang sina Romina Astudillo, Mark Ryan Cruz, Jaymie Gregorio Jr., at Joel Demate para ipanawagan ang kagyat na pagpapalaya sa kanila. Kabilang sila sa Human Rights Day 7 na inaresto noong Disyembre 10, 2020.

Mga protesta