Mga sundalong Pilipino, hinaras ng mga Chinese Coast Guard sa WPS

Hinaras ng mga Chinese Coastguard ang isang yunit ng Philippine Navy na nagpapatrulya sa isla ng Pag-asa sa saklaw ng West Philippine Sea (WPS) noong Nobyembre 20. Nangyari ang kumprontasyon sa panahong hinihila ng mga sundalong Pilipino ang isang pinaghihinalaang debris ng rocket sa lugar nang putulin ng mga Chinese coast guard na lulan ng isang inflatable boat ang lubid. Pagkatapos ay sinundan ito ng mga pagsabog na narinig ng mga residente ng Pag-asa. Kagyat itong kinundena ng iba’t ibang grupo, pero hanggang diplomatic protest pa rin ang ginagawa ng rehimeng US-Marcos II.

Mga sundalong Pilipino, hinaras ng mga Chinese Coast Guard sa WPS