Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao, ginunita

,

Ginunita sa protesta ng mga demokratikong grupo sa Metro Manila ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Tao at ang kaugnay na ika-75 anibersaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon sa Karapatang Pantao noong Disyembre 10. Nagkaroon ng katulad na mga protesta sa mga syudad ng Baguio, Legazpi, Naga, Bacolod, Cebu, Iloilo, Roxas, Davao at sa bayan ng Kalibo sa Aklan.

Pinamunuan ng Karapatan at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang libu-libong Pilipinong nagprotesta sa 11 sentro ng pagkilos sa bansa para singilin ang reaksyunaryong gubyerno sa mga paglabag nito sa karapatang-tao sa higit 1.6 milyong Pilipino mula nang maupo si Marcos sa poder.

Liban dito, kinundena ng mga grupo ang papel ng US sa mapanalasang kontra-insurhensyang kampanya ng rehimen na itinuturing nilang bahagi ng panghihimasok sa bansa at sa Asia-Pacific. Inihayag din nila sa protesta ang pakikiisa sa mamamayang Palestino nadumaranas ng walang kapantay na pagdurusa dulot ng kampanyang henosidyo ng US-Israel sa Gaza at West Bank.

Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao, ginunita