Sahod, benepisyo at karapatan, ipinaglalaban ng mga manggagawang pangkalusugan

,

Masinsing mga protesta ang inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan at kanilang unyon sa pamumuno ng Alliance of Health Workers (AHW) nitong Disyembre. Linggo-linggong naglulunsad ng mga pagkilos ang AHW sa mga ospital at ahensya ng gubyerno.

Mula Disyembre 5 hangggang Disyembre 12, naglunsad ng protesta ang mga unyon sa Philippine Orthopedic Center, National Children’s Hospital, Philippine General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines at Philippine Children’s Medical Center, Tondo Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital at Fabella Hospital sa Metro Manila.

Noong Disyembre 13 sumugod sila sa Department of Budget and Management para igiit ang mabilis na paglalabas ng pondo para sa kanilang mga benepisyo.

Binatikos din ng mga manggagawang pangkalusugan ang pagkakatalaga kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa. Anila, hindi siya nararapat maging kalihim ng DOH dahil siya ay kontra-manggagawang pangkalusugan, isang Red-tagger, at sumusuporta sa pribatisasyon ng mga pampublikong ospital at serbisyong pangkalusugan.

Sahod, benepisyo at karapatan, ipinaglalaban ng mga manggagawang pangkalusugan