85th IB, inambus ng BHB-Quezon

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Mapangahas na tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Quezon (Apolonio Mendoza Command) ang 30-kataong yunit ng 85th IB na nag-ooperasyon sa Barangay Doña Aurora, Calauag noong Marso 25, alas-6 ng gabi. Tatlo ang naiulat na nasugatan sa mga pasistang sundalo.

Ayon sa pahayag ni Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng BHB-Quezon, pinasabugan ng hukbong bayan ng command detonated explosive ang 85th IB at tumagal ang sagupaan ng 10 minuto. Ligtas naman ang yunit ng BHB. Muli nitong napasubalian ang deklarasyon sa Quezon bilang “insurgency-free” noong Hunyo 2023 at pagpapailalim sa kategoryang “Stable Internal Peace and Security,” aniya.

Sa Agusan del Sur, iniulat kamakailan ng yunit ng BHB sa prubinsya na nagsagawa ito ng operasyong haras laban sa nag-ooperasyong tropa ng 3rd Special Forces Batallion (3rd SFB) sa Barangay Mabuhay, Prosperidad noong Enero 19. Dalawang pasista ang napatay sa pag-atake ng mga Pulang mandirigma, kabilang ang isang upisyal ng mga mersenaryo.

85th IB, inambus ng BHB-Quezon