10 kandidato pagkasenador, tatakbo sa ilalim ng Makabayan

,

Pormal na ipinakilala ng Koalisyong Makabayan ang 10 kandidato nito pagkasenador sa eleksyong 2025 sa isang programa sa Liwasang Bonifacio, Manila City noong Agosto 26. Itinaon ito sa Araw ng mga Bayani.

Itinampok sa pagpapakilala ang iba’t ibang isyung pambayan at interes ng ordinaryong mamamayan. Anang koalisyon, buo ang pasya nito na hamunin ang eleksyong dinodominahan ng mga paksyon ng naghaharing uri. Sigaw nila: Taumbayan sa Senado!

Sumusunod ang mga kandidato ng Makabayan sa senado:

Nagpahayag ng suporta ang mga progresibo at demokratikong organisasyon sa anunsyo ng Makabayan. Ipinabatid nila ang kahandaang ikampanya sa abot ng kanilang makakaya ang mga kandidatong ito. Ang anunsyong ito ay isang mahalagang pagkakataon sa tinatahak na landas ng koalisyon, habang patuloy nitong pinakikilos ang taumbayan tungo sa pulitika ng pagbabago, ayon sa Makabayan.

10 kandidato pagkasenador, tatakbo sa ilalim ng Makabayan